Home Bulacan Local News 4 ‘carnapper’ patay sa engkwentro sa Plaridel, Bulacan

4 ‘carnapper’ patay sa engkwentro sa Plaridel, Bulacan

3867
0
SHARE

PLARIDEL, Bulacan — Apat na hinihinalang mga miyembro ng isang carnapping syndicate ang napatay sa isang hot-pursuit operation sa Brgy. Bagong Silang sa nabanggit na bayan Linggo (Nov. 3) ng madaling araw.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Victorino Valdez, Hepe ng Pulis ng Plaridel, naganap ang madugong engkwentro bandang alas-3:50 ng madaling araw sa nasabing barangay.

Ayon kay Valdez isang lalaki na pansamantalang itinago sa pangalang Abel ang tumungo sa istasyon ng pulis at nagsumite ng reklamo dahil sa pang-aagaw ng kanyang sasakyang Toyota Vios bearing plate number AHA 2068 ng mga suspek.

Ani Abel, pabalik na siya sa kaniyang sasakyan matapos bumili sa isang convenience store sa Barangay Banga Dos nang bigla siyang tutukan ng baril ng dalawang lalaki na naka-bonnet.

“Sapilitang kinuha sa akin ang susi ng sasakyan tsaka ito itinakbo ng mga suspek,” dagdag pa ni Abel.

Agad namang inalarma ang mga otoridad sa pangunguna ng Plaridel police at Bulacan Provincial Intelligence Branch upang mabawi ang nasabing sasakyan.

Ayon naman kay P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Provincial Director, nang mai-flash alarm ang plaka ng ninakaw na sasakyan, namataan ng mga pulis ang sasakyan na umiwas sa checkpoint sa Bypass Road sa nasabing bayan.

Pagdating ng inalarmang sasakyan na may plate number na AHA 2068 sa NIA Road sa Brgy. Bagong Silang, hinarang ito ng mga pulis.

Una raw nagpaputok ng baril ang mga suspek at tsaka gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang caliber .38 na baril, isang caliber .45 na baril at isang Uzi submachine gun.

“Tinamaan ng bala ang isang pulis pero masuwerteng tumama naman ito sa kaniyang vest,” dagdag pa ni Bersaluna.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung saang grupo nabibilang ang mga ito. (RONDA BALITA Online News)

(Mga larawan ni Jose Erwin Bunag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here