4 na turista sa Puning Cave sa DRT, ‘nagdamo’ arestado

0
742

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nadakip ng lokal pulisya sa bayan ng Donya Remedios Trinidad ang apat na katao na humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng Puning Cave sa nasabing bayan kamakalawa.

Base sa ulat na nakarating sa opisina ni Col. Lawrence Cajipe, Bulacan provincial director, kinilala ang mga naaresto na sina Arvin Jasfer Pabalan, Donnie Don Mecua, Erickson Custodio at Richmore Custodio, na pawang mga  residente ng Novaliches, Quezon City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyo, isang concerned citizen, ang tumawag sa istasyon ng pulisya at iniulat na may grupo ng ng kalalakihan ang  humihithit ng marijuana sa loob ng Puning Cave, sakop ng Brgy. Bayabas.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa aktong makita ang paghitit ng pinatuyong dahon ng marijuana mula sa dalawang piraso ng maliit na plastic tube.

Nakuha sa nasabing pasyalan ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana  

Nahaharap sa kaukulang kaso ang apat na suspek habang nakadetine sa DRT lock-up cell. (RONDA BALITA)  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here