420 kilos na botchang baboy, nakumpiska sa Marilao, 6 arestado

0
198

Aabot sa 420 kilos ng double dead na baboy mula sa anim ba kalalakihan ang nakumpiska ng National Meat Inspection Services (NMIS) Sabado ng gabi (Aug. 29) sa Barangay Sta. Rosa 1 sa Marilao, Bulacan. READ MORE @http://rondabalita.news/420-kilos-na-botchang-baboy-nakumpiska-sa-marilao-6-arestado

Posted by Ronda Balita Online on Monday, August 31, 2020

MARILAO, Bulacan — Aabot sa 420 kilos ng double dead na baboy mula sa anim ba kalalakihan ang nakumpiska ng National Meat Inspection Services (NMIS) Sabado ng gabi (Aug. 29) sa Barangay Sta. Rosa 1 ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Lt.Col. Dominador Ignacio, Acting Chief of police ng nasabing bayan ang mga naarestong suspek na sina Almer Pao Obnimaga, Mark Angelo Bolo Responde, Ojeck Bahilot Salimbaga, Aristeo Aguilar Lorenzo, Aldrin Daganta Dalin at Reynan Bahilot Alfonso, pawang taga-Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan at mga empleyado ng Qualipeak Livestock Corporation na pag- aari ng isang Thomas Haw na matatagpuan sa Pintong Bato, Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan.

Sa insiyal na imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi ng masabat ng Marilao Inspection Unit ang nasabing mga double dead na baboy na sakay ng Isuzu Refer Van 2019 model sa kahabaan ng Villarica road ng nasabing bayan.

Nang sitahin ng mga otoridad ang mga nasabing katay na baboy ay wala silang maipakitang mga dokumento na pinapayagan sula ng NMIS na i-transport ang mga nasabing double dead na karne ng baboy.

Hindi umano dumaan sa NMIS ang 420 kilos na katay na baboy na ibibiyahe sana sa Metro Manila.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa R.A 10536 Amended as R.A 9296 na mas kilala sa “Meat Inspection Code of the Philippines.” (RONDA BALITA Online)
(Mga larawan at Video ni TROY GALLARDO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here