Home National News 465 pamilya sa Capas, ginawaran ng mga titulo ng lupa

465 pamilya sa Capas, ginawaran ng mga titulo ng lupa

220
0
SHARE

CAPAS, Tarlac — Dinaluhan nitong Miyerkules nina Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo at Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ang paggawad ng titulo ng lupa sa may 465 pamilya sa Capas, Tarlac.

Ang mga ito ay naninirahan ngayon sa O’Donnell Resettlement Area sa naturang bayan.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Aquino na nakapokus ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao partikular sa pamilyang Pilipino.

Bilang pagpapahalaga ng pamahalaan sa edukasyon, sinabi ni Aquino na simula ngayong Academic Year 2018-2019 ay libre na ang tuition at miscellaneous fees sa lahat ng mga state at local universities and colleges.

Umaasa siya na marami ang makikinabang dito dahil ang makapagtapos ng pagaaral sa kolehiyo ay isa sa mga pangarap ng maraming Pilipino.

Source: Philippine Information Agency

SHARE
Previous articleRegional Rescue Olympics 2018, idinaraos sa Kampo Magsaysay
Next articleNKTI holds forum on kidney care in Pulilan
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here