Home EXTRAFONTS 48 tribyutaryo ng Manila Bay

48 tribyutaryo ng Manila Bay

20
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

SA totoo lang, hindi sana magkakagayon ang marumig kalagayan ng Maynila, kung wala ang mga tributary na nakasuso sa Look ng Maynila, ang mga kailugang ito ang nagdadala ng laksa laksang basura na inaanod patungo sa Manila Bay.

Isipin na lang kung ilang estero sa Kamaynilaan ang nakatutok sa Manila Bay. Sa mga esterong iyan nakaugnay ang mga kanal o drainage canal ng Metro Manila at ang waste water naman mula sa kanal, umagos iyon sa estero, deretso sa Look ng Maynila.

Bukod sa maruming tubig na galing sa mga kabahayan, ang solid waste tulad ng basurang plastic at styrofoam na itinatapon ng mga salaula nating kababayan sa mga kanal ay kasamang inaanod ng tubig-kanal patungo sa ilog tulad ng Pasig River at hahantong naman sa Manila Bay.

Kaya ang nangyari, ang mga estero ay nagmistulang kubeta samantalang ang mga kailugan kagaya ng Tullahan River ay isang mahabang basurahan ng mga mamamayan ng Metropolis.

Huwag na tayong lumayo. Pansinin ang kasalukuyang kalagayan ng Angat River. Tamang maraming isda na nahuhuli ngayon sa ilog na ito. Ang tanong: Malinis pa ba ang tubig sa Angat River? Ewan ko kung nakapagsagawa na ng pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng tubig sa Ilog Angat.

Sa dami ng business establishments na malapit sa Angat River, hindi tayo nakatitiyak kung sumusunod sa environmental law ang mga negosyong iyan o talagang sumusuway at nagpapatuloy sa pagtatapon sa ilog ng pollutive waste water.

Balik tayo sa 48 tributaries ng Manila Bay sa Metro Manila, dapat talaga na sa barangay pa lamang magsimula ang programa ukol sa rehabilitasyon ng Look ng Maynila dahil iyang 48 tribyutaryong iyan ay bahagi ng mga barangay sa Kamaynilaan.

Mabuti nga at aktibo ngayon ang DENR maging ang DILG sa pagsusulong ng rehabilitation program sa Manila Bay dahil hanggang sa mga barangay dito sa Bulacan, partikular ang mga bayan sa baybayin ng mga kailugang nakaugnay sa Manila Bay ay naabot ng naturang progama.

Sa mga kababayan natin na ayaw makiisa o tumulong sa programang pangkalinisan ng pamahalaan, nasasa-inyo ‘yan. Pero huwag naman sana kayong magkalat ng basura dahil hindi na kayo nakatutulong ay nakapeperwisyo pa kayo. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article4 drug pushers gunned down, 12 others nabbed in Bulacan drug sting
Next articleLandfill sa Bulacan, inirereklamo
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here