Home Ronda Patrol 5 araw na filing ng COC ng mga nais maglingkod sa bayan...

5 araw na filing ng COC ng mga nais maglingkod sa bayan naging matagumpay

29
0
SHARE

NATAPOS nitong Miyerkules ng alas-5 ng hapon ang limang araw na palugit ng Commission on Election (Comelec) para sa mga re-electionist o mga nais maglingkod sa bayan mapanasyunal o lokal tulad ng mga nais maging senador, governor, mayor, congressmen at mga board members.

Nariyan ang mga nagbabalik na nais muling maging senador na sina Jinggoy Estrada na nakalaya lamang sa kasong Plunder dahil sa kapangyarihan ng piyansa at si Juan Ponce Enrile na kahit edad 94-anyos na ay muli rin tatakbo bilang senador at ang panghuli ay si alyas Pogi na may agimat ng Cavite na kinasuhan din ng pandarambong at kasalukuyan ay nakakulong sa Camp Crame General Headquarters na si Former Senator Ramon Bong Revilla Jr., na isa sa mga kinasuhan tungkol sa ma-anomalyang Pork Barrel Scam na pinangunahan ni Janet Lim-Napoles.

Hiling natin na maging matalino na sana ang mga botante at huwag ng iboto ang mga nagpahirap at nagpakasasa sa kaban ng bayan lalo na yon mga magnanakaw at sangkot sa mga iligal na droga at masamang aktibidades sa kanilang bayan dahil kinabukasan ng mga anak natin ang nakataya dito.

Huwag na rin suportahan ang mga kandidato na makikita lamang ang presensya kapag eleksyon at kapag nanalo na ay hindi na malapitan at mahagilap ng kanilang mga kababayan.

Sa Maynila naman ay labanan ng mga higanteng pangalan tulad ni incumbent Manila Mayor Joseph Erap Estrada at former Manila Mayor Alfredo S. Lim at ang wild card na si DSWD Undersecretary Isko Moreno. Ang tatlong ito ang mag aagawan sa pagka-Mayor ng Maynila sana ay palaging ang panalo ay ang mga Manileño.

Nakakalungkot din isipin na sa huling oras ng filing ng kanyang Certificate of Candidacy ay sinipa ng National Peoples Coalition (NPC) si incumbent Lipa City Batangas Mayor Meynard Sabili na tatakbong Kongresista para sa ikaanim na Distrito na makakalaban ni kasalukuyang Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Paliwanag sa media ni Sabili tinawagan umano siya ng secretary general ng National Peoples Coalition at sinabing tumawag diumano si Senator Ralph Recto sa mga opisyal ng partido pulitikal ni Sabili at pinakiusapan na siya ay alisin bilang miyembro ng partido.

Sa ngayon ay tatakbo na ito bilang indipendyente. Ganyan na bang talaga karumi at hindi pa rin nagbabago ang istilo ng ilan sa mga pulitiko na may makakalaban sa posisyon? Goodluck na lang sa inyo ang mga botante parin ang magpapasya kung sino ang kanilang ihahalal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here