5 arestado sa ‘Pergalan’ sa Hagonoy

0
232

HAGONOY, Bulacan — Arestado ang lima kataong operator ng iligal na pasugalan sa loob ng isang peryahan cum sugalan sa Brgy. Abulalas sa nabanggit na bayan nu’ng Sabado (Jan 12).

Base sa isinumiteng ulat kay P/Col. Emma M. Libunao, Acting Bulacan Provincial Director, kinilala ni P/Lt. Col. Roginald A. Francisco, bagong talagang Chief of Police ng Hagonoy, ang mga dinakip na sina Maria Fe Mangulabnan, 63-anyos; Madel Gracia, 34; Michelle Quinto, 34; Jobert Trinidad, 19; at Jonel Sipin, 20.

Ayon kay Francisco ang mga suspek umano ay aktong nahuling nag-o-operate ng iligal na sugal tulad ng color game at drop ball sa isang peryahan sa nabanggit na barangay.

Narekober sa mga ito ang 2 drop ball bet tables, 1 roulette w/ one bet table, 1 color game table na may kasamang 3 dice at cash money na nagkakahalaga ng P2,594 in different denominations.

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa Hagonoy Police jail habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. (RONDA BALITA Online)

Previous articleSchool classes and government offices in Bulacan suspended due to health risks of ashfall
Next articleMinasa Festival 2020, Isang dekada na!
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here