Home Taklesa 5 bayan sa Bulacan wagi ng SGLG ng DILG

5 bayan sa Bulacan wagi ng SGLG ng DILG

50
0
SHARE

LIMANG bayan sa lalawigan ng Bulacan ang nagwagi ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) ng the Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong taon.

Opo, mga ka-Taklesa, 5 bayan mula sa 21 municipality at 3 lungsod na sakop ng makasaysayang lalawigan ng Bulacan ang opisyal na nakasama sa listahan na gagawaran ng parangal bilang pagkilala sa katapatan at kahusayan sa pamahalaang lokal.

Ang mga bayan ng Guiguinto sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Boy Cruz at Plaridel sa pangangasiwa naman ni Mayor Jocell Vistan-Casaje (actually pangalawa na nila ito dahil pinarangalan din sila nung 2016), Angat ni Mayor Leonardo R. de Leon, Baliwag ni Mayor Ferdinand Estrella), at Bustos sa pamamahala ni Mayor Arnel Mendoza.

Ang SGLG ay isang malaking hamon ng DILG para sa pamahalaang lokal upang mas mapabuti pa ang pamamalakad, maipagpatuloy ang maayos na pagganap ng pagiging bukas (transparent) at may pananagutan sa paggamit ng pondo, makapaghanda sa banta ng kalamidad, maipakita ang pagiging sensitibo sa pangangailangan ng mga vulnerable at marginalized sectors ng lipunan, mapangalagaan ang integridad ng kapaligiran, maprotektahan ang mga mamamayan sa banta sa buhay at seguridad.

Ang mga bayan at lungsod ay sumailalim kamakailan sa validation ng DILG Regional Assessment Team kung saan siniyasat ang lahat ng mga dokumento base sa assessment criteria na sinundan ng panayam sa mga Department Heads na may kinalaman dito para mabigyan ng linaw ang ilan pang mga katanungan.

Ang mga basehan upang maging SGLG recipient ay kailangang maipasa ang tatlong core assessment areas gaya ng Good Financial Housekeeping, Disaster Preparedness at Social Protection at isa man lang mula sa essential assessment areas tulad ng Business-friendliness and Competitiveness, Peace and Order o Environmental Management.

Saludo po ang inyong ka-Taklesa sa mga namumuno sa mga nabanggit na bayan na gagawaran ng parangal dahil ipinakita lang nila ang kanilang husay at katapatan na mapaglingkuran ang kanilang mga constituents.

Mabuhay po kayo!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news

Babu!

(Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here