Home National News 5 katao kabilang ang 2 bata, patay sa sunog sa Cavite

5 katao kabilang ang 2 bata, patay sa sunog sa Cavite

1580
0
SHARE

BACOOR CITY, Cavite — Limang miyembro ng pamilya ang kumpirmadong patay kabilang ang dalawang menor-de-edad sa naganap na sunog sa nasabing lungsod Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Christopher Moyano, 37-anyos, asawa nitong si Sherly A. Abalos, 27, at tatlong anak na may edad na 14 na taong gulang, 3 taon at 3 buwan at pawang mga residente ng Lirio St., F&E De Castro Subdivision, Brgy. Aniban 5, Bacoor City.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, bago naganap ang sunog ay narinig nilang nagtatalo ang mag-asawang sina Christopher at Shirley Abalos at ilang sandali panang bigla na lang silang nakakita ng usok na lumalabas mula sa bahay ng mga biktima.

Nakita sa loob ng CR ang sunog na katawan nina Shirley at tatlong anak, habang bahagyang nasa labas ng pintuan ang bangkay ng mister nito..

Idineklarang fireout ang sunog pasado alas-kuwatro ng madaling araw at tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng pinsala nito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) Bacoor, katuwang ang Bacoor Police para matukoy ang sanhi ng sunog. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here