5 patay, 9 sugatan sa aksidente sa Rizal

0
252

JALA-JALA, Rizal — Patay ang 5 katao kabilang ang driver ng isang pampasaherong jeep habang 9 naman nasugatan matapos mawalan ng kontrol sa manibela at salpukin ang isang puno sa nasabing bayan nu’ng Sabado.

Nakilala ang mga namatay na biktima na sina Francisco Abesamis, Grace Abesamis at ang mag-iina na sina Winnie Rodriguez, Kiell Aron Rodriguez, Karyll Rodriguez habang sugatan at nilalapatna ng lunas sa isang ospital sina Nixon Galagar, Darwin Rodriguez, Karen Alipio, Marissa Lara, Michael Rodriguez, Manuel Ryan Custodio, Pedro Sanggalang at Andrea Sanchez.

Batay sa report ng Jala-Jala police dakong alas-5:30 ng hapon habang minamaneho ni Francisco ang sinasakyang jeep na may plakang DJR 232 sa Sitio Biga, Brgy. Bayugo sakop ng nasabing bayan ng mag over-take ito sa isang sasakyan at mawalan ng kontrol sa manibela na naging dahilan para bumangga ito sa puno.

Naisugod pa sa isang pagamutan ang driver at mga pasahero subalit hindi na umabot ng buhay ang apat habang namatay dakong alas-7 ng gabi ng parehong araw si Winnie Rodriguez sa ospital, patuloy na inoobserbahan ang siyam na iba pa.

Patuloy naman ang follow-up investigation ng mga otoridad para malaman kung may iba pang dahilan ang nangyaring aksidente. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here