Home National News 500 katutubo sa Tarlac, tumanggap ng scholarship grants sa TESDA

500 katutubo sa Tarlac, tumanggap ng scholarship grants sa TESDA

1171
0
SHARE

LUNGSOD NG TARLAC — May 500 katutubo sa bayan ng Capas sa Tarlac ang tumanggap ng scholarship grants mula sa Technical Education and Skills Development Authority.

Sinaksihan ni Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development Chairperson Joel Villanueva ang paggawad ng mga grant na nakapokus sa mga kursong carpentry, welding, masonry at agricultural.

Ayon kay Villanueva, layunin ng programa na matiyak ang pagkakaroon ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tamang hanay ng mga kasanayan na kailangan sa lalawigan.

Dagdag pa ng senador, ang paglikha ng trabaho at pagtiyak sa pagkakaroon ng mga disenteng oportunidad para sa mga tao ay maisasakatuparan sa ilalim ng programang “Build Build Build” ng pamahalaan.

Aniya, bilyun-bilyong piso ang ipinupuhuan ng pamahalaan at mga pribadong kumpanya sa development ng New Clark City sa Tarlac at sa pagpapalawak ng Clark International Airport sa Pampanga na lilikha ng trabaho sa mga katutubo.

Bukod sa mga scholarship, tumanggap din ang Aeta community ng naturang bayan ng 1.5 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here