Home National News 500 Scout Rangers, tumanggap ng bagong bahay kay Pangulong Duterte

500 Scout Rangers, tumanggap ng bagong bahay kay Pangulong Duterte

20
0
SHARE
Nakikinig si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawang paglalahat nina National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino P. Escalada at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman Eduardo Del Rosario, sa kanyang inspeksiyon sa loob ng isa sa 500 bagong bahay na itinayo at ipinagkaloob sa mga kawal ng First Scout Ranger Regiment ng Philippine Army sa tabi ng Kampo Tecson sa San Miguel, Bulacan.

SAN MIGUEL, Bulacan — Totoo sa kanyang pangako, matapos ibaon noong isang taon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panandang bato upang pasimulan ang pagtatayo ng may 1000 pabahay para sa mga First Scout Regiment ng Philippine Army, pormal na niyang ipinagkaloob sa unang 500 na benepisyaryo ang mga bagong tayong bahay.

Makikita sa larawan ang dalawa sa 500 mga bagong duplex na bahay na ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa utos ng pangulo sa NHA, ginawang 60 metro kudrado ang laki ng floor area ng bawat bahay sa loob ng 150 metro kudradong lote nito. Malayung malayo ito sa 24 metro kudradong floor area ng ipinatayong pabahay ng National Housing Authority (NHA) para sa sundalo at pulis noong 2011.

Matatagpuan ito sa 50 ektaryang lupang nasa tabi ng Kampo Tecson na sakop ng mga barangay ng Calumpang at Tartaro-Sibul dito sa San Miguel.

Taong 2010 nang unang ilunsad ng noo’y administrasyong Arroyo ang Armed Forces of the Philippines (AFP)-Philippine National Police (PNP) Off-Base Housing Project. Ngunit natiwangwang nang sumunod na anim na taon hanggang sa nagdesisyon si Pangulong Duterte noong 2016 na buhayin ang proyekto sa ilalim ng New AFP-PNP Housing Program.

Bukod sa pagsasakatuparan ng proyekto, tinugon ng National Housing Authority (NHA) ang direktiba ni Pangulong Duterte noong 2017 na gawing mahigit 60 metro kudrado ang laki ng floor area ng bawat bahay na duplex. May laki namang 150 metro kudrado ang laki ng lote. Malayung malayo ito sa 24 metro kudrado lamang na floor area sa mga ipinatayong pabahay ng NHA para sa mga sundalo at pulis noong taong 2011.

Sinurpresa naman ni Pangulong Duterte ang mga benepisyaryong Scout Rangers na “ang bayaran ninyo actually is P944,000 ang total package. Ngayon kasi nakikinig kayo dito, and very behave kayo, less P100,000. So P844,000. So it’s about P4,000 monthly.”

Ipinagkaloob ang nasabing mga bahay na kumpleto sa linya ng kuryente at tubig. Fully-furnished na ang ibig sabihin, may inilatag nang mga tiles at pulido ang pagkakapintura ng kesame at mga pader.

Samantala, sa presentasyon ni NHA General Manager Marcelino P. Escalada kay Pangulong Duterte h

Makikita sa larawan ang dalawa sa 500 mga bagong duplex na bahay na ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa utos ng pangulo sa NHA, ginawang 60 metro kudrado ang laki ng floor area ng bawat bahay sa loob ng 150 metro kudradong lote nito. Malayung malayo ito sa 24 metro kudradong floor area ng ipinatayong pabahay ng National Housing Authority (NHA) para sa sundalo at pulis noong 2011.

inggil sa mga nakatakda pang isaaayos at itayo sa New AFP-PNP Housing Project para sa mga Scout Ranger Regiment ng Philippine Army, sasabayan ang pagkukumpleto ng 500 pang mga housing units ng paglalagay ng Olympic-size na swimming pool. May haba itong 25 metro at lapad na 50 metro.

Para sa mga anak ng mga benepisyaryong sundalo, magpapatayo ng tatlong palapag na gusali na mayroong 15 silid-aralan at 1 Club House. Kumpleto na rin ang mga kalsada sa loob ng Scout Ranger Ville at nakonkreto na ang kalsadang nag-uugnay dito at sa Kampo Tecson.

Source: PIA/Shane Frias Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here