5,438 pamilyang apektado ng bagyong Rolly, tumanggap ng ayuda

0
36

MATAPOS ang nagdaang unos dulot ng super typhoon Rolly, magkakatuwang na namahagi ng relief goods sina Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Willy Sy-Alvarado katuwang sina Cong. Kuya Jonathan Sy-Alvarado, Calumpit Mayor Jessie De Jesus at Bokal Mina Fermin sa 5,438 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly sa Bayan ng Calumpit.

Ang mga ipinamahagi na relief goods ay mula sa Pamahalaang Panglalawigan na inorganisa ng masisipag na kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pangunguna ng tinagurian “Ina ng Saklolo” ng Bulakan na si PSWDO Chief Rowena Joson-Tiongson.

Kabilang sa apektadong barangay na napagkalooban ng relief goods ay ang Barangay Meysulao na pinamumunuan ni Barangay Captain Tirso Cruz na siyang tumanggap ng 1,800 food packs para sa kanyang mga kabaranggay.

Barangay San Miguel na pinamumunuan ni Barangay Captain Dave Braian Sambilay na inayudahan naman ng 2,138 food packs para sa kanyang mga kabaranggay na lubog sa baha.

Barangay Pio Cruzcosa na pinamumunuan ni Barangay Captain Lourdes M. Castelon ay binigyan ng 300 food packs para sa mga naninirahan sa Lexber Subdivision kung saan may mga kabahayan na binaha.

Kasama rin ang Barangay Sapang Bayan na pinamumunuan naman ni Barangay Captain Robert “Obet” Lucas na siyang tumanggap naman ng 1,200 family food packs upang ipamahagi sa kaniyang mga kabarangay.  

Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Gob. Fernando sa Poong Maykapal sapagkat dininig ng Diyos ang sama sama nating panalangin upang tayo ay hindi masyadong napinsala ng bagyong Rolly.

Bunsod nito bilang pasasalamat, ang Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan ay magbibigay ng tulong sa lalawigan ng Albay at Catanduanes ng tig 500,000.

Pinasalamatan naman ni Calumpit Mayor Jessie De Jesus ang mga tulong na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panglalawigan ng Bulacan sa Pangunguna ni Gob. Fernandom at Bise Gob. Willy Sy-Alvarado, Cong. Jonathan Sy-Alvarado at mga Bokal sa Unang Distrito ng Bulacan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here