Home National News 59-anyos na lalaki sa Ilocos Norte nagbigti, patay

59-anyos na lalaki sa Ilocos Norte nagbigti, patay

14
0
SHARE

LAOAG CITY — Isang lalaki ang natagpuang patay nu’ng Martes (Nov. 6) sa Vintar, Ilocos Norte matapos na magbigti sa may puno ng sampalok gamit ang isang tali.

Ang biktima ay kinilala ng Vintar-PNP na si Edwin Abener y Cristobal, 59-anyos, may asawa ng Brgy. 11 Bulbulala ng naturang bayan.

Base sa report, nagpunta sa gubat ang anak ni Edwin na si John Lester, 24, para manguha ng mga damong ipapakain sana niya sa kanyang mga alagang hayop.

Nabatid na habang nasa gubat si Lester, ang asong kasama niya ay tahol nang tahol at ng tingnan niya kung ano ang tinatahulan ng kanyang aso, ang nakita niya ay ang amang nakabitin sa naturang puno na isa ng matigas na bangkay.

Napag-alaman din na ang biktima, na dumaranas ng matinding hypertension, ay umalis sa kanilang bahay nu’ng Lunes (Nov. 5) at hindi na nakauwi.

Wala namang makitang foul play sa pagkamatay ng biktima si Dr. Haidee Albano ng Municipal Health Unit (MHU) ng naturang bayan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBulacan police intensify ‘Oplan Katok,’ nets 2,431 firearms
Next articleP3.4 milyon halaga ng shabu, timbog sa Pasay
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here