Home National News 6-anyos nalunod sa irrigation canal sa Abra, patay!

6-anyos nalunod sa irrigation canal sa Abra, patay!

19
0
SHARE

MANABO, Abra — Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos na malunod sa irrigation canal, malapit sa pinapasukan nitong eskuwelahan sa Sitio Sapdaan, Brgy. Ayyeng sa nabanggit na bayan kamakailan.

Ang biktima ay nakilalang si Mark Aluicius Juanito Baula, residente ng naturang lugar at Grade 1 pupil ng Sapdaan Elementary School.

Base sa imbestigasyon, nabatid na nang matapos ang klase ng biktima ay nagpunta siya sa nasabing irrigation canal.

May inaabot umanong bagay ang biktima mula sa nasabing kanal hanggang sa ito ay mahulog at malunod.

Bandang 3:50 na ng hapon nang matagpuan ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang biktima.
Agad nilang dinala sa Manabo Rural Health Unit ang bata pero nabigo silang iligtas ito sa tiyak na kamatayan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘Tulak’ ng droga sa Ilocos Sur, huli sa buy bust
Next articlePacquiao vs. Thurman free live streaming at SM City SJDM
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here