6 Chinese ‘timbog’ sa kidnapping ng 2 Taiwanese sa Las Piñas

0
76

LAS PIÑAS CITY — Inaresto ng mga pulis nitong Martes (Dec. 4) sa Las Piñas City ang 6 na Chinese national matapos umanong mangidnap ng 2 Taiwanese national sa Daisy St., Corner Marygold Rd., Pilar Village ng nabanggit na lungsod.

Base sa ipinadalang report ni Las Piñas City Chief Police Senior Supt. Simnar Gran kay National Capital Region Police Office Police Director Guillermo Eleazar, kasalukuyan umanong nagsasagawa ng surveilance at follow-up operations ang mga otoridad sa nasabing lugar tungkol sa hinahanap na isang biktima na dinukot sa isang casino ng marinig nila ang sigaw ng isang Chinese sa loob ng isang bahay na humihingi ng tulong na agad naman nirespondehan ng mga pulis at nakilalang si Sha Chang Ping.

Nadiskubre din na may iba pang kasama ang biktima na pito pang Chinese sa lugar kabilang ang isa pang biktima na si Hua Pin Yuan.

Base sa imbestigasyon, nabatid na parehong mga Taiwanese nationals ang dalawang biktima na ang isang nauna na nagpasaklolo ay ang hinahanap na biktima dahilan para arestohin ang lider ng grupo ng mga kidnaper na si Zhikun Gou at mga kasabwat nito na sina Wei Pong Wang, Zhao Ma, Zhikun Gou, Tze Xiao, Huang Yang, at Xuang Guan.

Narekober sa lugar ang isang Mitsubishi Montero na may plaka na #UYQ 635 na nakapangalan sa kay Gou, duct tapes, metal chain, mga cellphones, P12,000 cash, credit cards at mga passports.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Las Piñas City Jail ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Violation of Revised Penal Code Art.267 o (Kidnap For Ransom). RONDA Balita Online News

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here