Home National News 6 pulis Pasig na nahuling natutulog at wala sa puwesto, sinibak!

6 pulis Pasig na nahuling natutulog at wala sa puwesto, sinibak!

192
0
SHARE

SINIBAK sa puwesto ni Pasig City Police chief Senior Supt. Orlando Yebra Jr. ang anim nitong pulis matapos mahuling natutulog at nag-abandona sa kanilang trabaho sa isinagawang surprise inspection ng opisyal Lunes ng madaling-araw.

Bukod sa pagkakasibak ay nahaharap din sa kasong administratibo ang mga pulis na sina SPO1 Ricardo Allapitan, SPO1 Rustom Valdez, PO3 Higino Dancel, at PO2 Apolo Labrador.

Samantala, ang mga nahuli namang nag-abandona sa kanilang puwesto ay sina PO2 Danilo Damasco at PO2 Patrick Baldemor.

Napag-alaman na dakong alas-3:20 nang madaling-araw nang magsagawa ng surprise inspection si Yebra sa Investigation Section at Traffic Section ng Pasig City Police headquarters.

Gayunman, sa halip na ang mga pulis ang masorpresa ay siya mismo ang nagulat nang maabutang apat sa kanyang mga tauhan ang natutulog habang naka-duty habang dalawa pa sa mga ito ang wala sa kanilang puwesto.

Kaugnay nito, binalaan ni Yebra ang iba pang miyembro ng Pasig City Police na mahaharap din sa kaukulang parusa kapag hindi sila magtitino sa panunungkulan.

Source: abante.com.ph

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here