Home Sports 611 kabataang Bulakenyo, nagtapos sa PGB Summer Sports Clinic

611 kabataang Bulakenyo, nagtapos sa PGB Summer Sports Clinic

35
0
SHARE
Ipinagmamalaking ipinakita nina (mula kaliwa) Franchesca Marie Cajuro, Haley Anne Monserate, Camila Dominique Santos at Isabella Francisca Santos na nag-aral ng Dance Sports ang sertipiko na katibayan ng kanilang pagtatapos habang suot ang medalya para sa kanilang natatanging pagtatanghal na iginawad nina Elizabeth Alonzo, pinuno ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service (naka pink) at Chief of Staff Antonio Del Rosario (naka dark blue) sa ginanap na Summer Sports Clinic Mass Graduation 2019 sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon. Kasama din nila sina (mula kaliwa) PYSPESO Sports Division Head Maria Victoria Marcelo, Bokal Robert John Mairon Nicholas, Volleyball Coach Representative Melandro Castro, Football Coach Emmanuel Robles, at mga Dance Sport Coach na sina Vera Seguin at Christopher Cruz (kanan, ibabang bahagi). (Kuha ni RR Eleogo)

LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 611 na kabataang Bulakenyo ang nagmartsa sa entablado hawak ang kanilang mga sertipiko at kabilang sa mga dumalo sa PGB Summer Sports Clinic Mass Graduation na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium dito, Huwebes ng hapon (May 23).

Ang summer program na taunang ginaganap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ay naghahandog ng sports program gaya ng aikido, swimming, badminton, basketball, chess, dance sports, football, gymnastics, taekwondo, lawn tennis at volleyball.

Bago ang programa, ipinakita ng mga kalahok mula sa aikido, dance sports at taekwondo ang natutunan nila sa kanilang mga sesyon.

Gayundin, ilan sa mga kalahok ay tumanggap ng medalya matapos manalo sa kani-kanilang kumpetisyon.

Sa kanyang mensahe na ibinahagi ni Chief of Staff Antonio Del Rosario, pinuri ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang pagsisikap ng mga magulang at sa walang pagod at patuloy na pagsuporta nila sa kanilang mga anak upang makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.

“Magpasalamat tayo sa ating mga magulang sa kanilang suportang ipinakita ngayong araw. Nawa ay maging makabuluhan ang pagtatapos ng Summer Sports Clinic at maipagpatuloy ninyo (mga bata) ang disiplina at mga kaalamang inyong natutunan sapagkat mahalagang bahagi ito patungo sa pagiging mabuting mamamayan,” ani Del Rosario.

Hinikayat naman ng pinuno ng PYSPESO na si Elizabeth Alonzo ang mga magulang na patuloy na sumuporta at asahan pa ang mga makabuluhang programa mula sa kanilang tanggapan para sa mga kabataan.

Samantala, ibinahagi ng head coach ng taekwondo na si Nimrod Blas ang kanyang positibong mensahe para sa kanyang mga estudyante at ipinagmalaki ang kakayanan ng mga ito na lumaban sa mga sports competition.

“Natutuwa ako dahil naatasan ako na mag-coach sa mga bata. Ngayon pa lang nakikita ko na may kakayahan sila mag-compete sa mga Olympics at sports competition. Sana balang araw magkaroon ng representative ang Bulacan,” ani Blas.

Bukod sa summer sports clinic, may kabuuang 1,012 na kabataan din ang nabigyan ng oportunidad na magtrabaho sa mga kumpanya sa lalawigan nitong bakasyon bilang bahagi ng programang Special Program for Employment of Students ng Pamahalaang Panlalawigan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSM City Baliwag’s Happy Summer Sale
Next articleIsang pasasalamat sa BJMP-Candon City at PNP-Candon City
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here