Home National News 63 na-food poisoning sa SK event sa Calumpit

63 na-food poisoning sa SK event sa Calumpit

3021
0
SHARE

CALUMPIT, Bulacan — Umakyat na sa 63 katao ang bilang ng mga isinugod sa hospital matapos mabiktima ng food poisoning sa Barangay Calizon sa bayan ng Calumpit, Bulacan nu’ng Linggo.

Ayon sa ilang biktima ay inimbitahan sila ng kanilang SK Chairman na si Christian Kevin Lopez para sa isang pagtitipon.

Bandang alas-4 ng hapon nang kumain sila ng handang spaghetti kasama ang ilang SK officials. Makalipas ang ilang oras ay nakaranas sila ng pagtatae, pagsusuka at matinding lagnat.

Ang iba naman sa mga residente tulad ng barangay kagawad ng Calizon na si Aling Zeky Dela Luna, nagawa pang makapag-uwi ng spaghetti sa anak at apo.

Labis namang ikinabahala ng kapitan ng barangay ang sinapit ng kanyang mga kabarangay, Agad naman humingi ng tulong ito sa municipal government para mabigyan ng gamot ang mga kabarangay. Sasagutin naman ng lokal na pamahalaan ang pagpapagamot sa mga biktima.

Nakauwi na ang dalawampu’t isa sa mga biktima habang nanatili naman sa Calumpit District Hospital at Sacred Heart Hospital ang 44. Kasamang naka-confine sa pagamutan ang SK chairman at kapatid nito.

Tumanggi namang makunan ng pahayag ang nagluto ng spaghetti na ina ng SK chairman ng barangay, subalit iginiit nito na malinis ang kanyang pagkakaluto sa pagkain.

Source: radyolaverdad.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here