Home National News 66,718 bata sa Bulacan nabakunahan kontra tigdas

66,718 bata sa Bulacan nabakunahan kontra tigdas

28
0
SHARE

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Umabot na sa 66,718 bata may edad anim na buwan hanggang limang taon ang nabakunahan sa Bulacan kontra tigdas.

Ayon kay Provincial Health Office o PHO Head Jocelyn Gomez, ito’y katumbas ng 63 porsyento ng target ng Department of Health na 106,415 para sa lalawigan.

Bukod sa bakuna, nagpamahagi rin ang PHO ng mga Bitamina A at patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring sa mga high risk na mga lugar at referral ng mga may pinaghihinalaang kaso ng tigdas sa mga health facilities.

Base sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU, nagtala ang lalawigan ng 286 na pinaghihinalaang kaso ng tigdas mula Enero 1 hangang Pebrero 2, 2019 o katumbas ng 3,985 porsyentong pagtaas kumpara sa pito lamang sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nakasaad din sa datos ng PESU na anim na ang namatay at isa rito ay kumpirmado na base sa resulta ng laboratory test.

Source: PIA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here