Home National News 67 tiwaling pulis sisibakin sa serbisyo — PNP

67 tiwaling pulis sisibakin sa serbisyo — PNP

405
0
SHARE

NAKATAKDANG sibakin sa serbisyo ang 67 pulis, kabilang ang ilang mga opisyal bago matapos ang buwan dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan kabilang ang sa iligal na droga.

Ayon kay Director General Ronald dela Rosa, pinuno ng Philippine National Police (PNP), na inaayos pa ng National Police Commission (Napolcom) ang lahat ng kaso ng mga tiwaling police officials — na dahilan ng pagkaantala.

“I asked an update from the executive officer and vice chairman of the Napolcom, Attorney (Rogelio) Casurao and he told me that within the month, they will be able to resolve all of those cases,” sabi ni Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na sinabihan din siya na ang lahat ng cases folders at ang mga resolution ng Napolcom ay inaasahang isusumite sa Office of the President ngayong buwan.

“These will be submitted to the President for approval before the end of this month because we are observing properly the due process,” pahayag ni Dela Rosa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here