7-anyos ginahasa ng senior citizen sa bayan ng Bulakan

0
2337
Ang suspek sa panghahalay sa isang 7 taong gulang na batang babae na si Herman Flores, 69 anyos at residente ng Brgy. Talitip, Bulakan, Bulacan.

BULAKAN, Bulacan — Arestado ang isang senior citizen matapos halayin ang isang 7 taong gulang na batang babae sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kontra COVID-19 sa Brgy. San Nicolas sa nabanggit na bayan nitong Martes (April 7).

Sa report ng Bulakan police, nakilala ang suspek na si Herman Flores, 64-anyos habang ang biktima ay itago na lamang sa ngalang Ynna kapwa residente ng Brgy.Taliptip.

Ayon sa imbestigasyon ni Pat. Rio Rodriguez, naganap ang insidente sa isang kubo bandang alas-12 ng tanghali sa Sitio Babangad, Brgy. San Nicolas.

Base sa impormasyon, kapwa magkasama umano ang suspek at ang biktimang si Ynna sa kubo habang ang magulang nito ay umiigib ng tubig sa karatig lugar.

Laking gulat ng magulang sa kanilang pagbalik sa kubo nang bumungad sa kanila ang panghahalay ng suspek sa batang paslit.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos mairaos ang makamundong pagnanasa at mabuko ng magulang ang insidente.

Naaresto naman ang suspek sa ikinasang follow- up operation ng pulisya katulong ang ilang opisyal ng barangay.

Pilit na kinukuha ng RONDA BALITA Online ang panig ng suspek na nahaharap sa kasong rape habang nakapiit sa naturang istasyon ng pulisya. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here