Home Entertainment 7 BANDS. 3 ACOUSTIC ACTS. 1 LOVE.: UgatPinas Valentine “Hugotfest” sa Creekside

7 BANDS. 3 ACOUSTIC ACTS. 1 LOVE.: UgatPinas Valentine “Hugotfest” sa Creekside

255
0
SHARE
Tampok ang mga bandang indiepop na The Swirls at pinoy rock powerhouse, Deuterium, mga ka-UgatPinas, ang nakaraang Ginumanfest ng Ginebra San Miguel sa Malolos Sports and Convention Center, sa pagbubukas ng Fiesta Republika 2018.

LUNGSOD NG MALOLOS—Handa ka na ba para sa Araw ng mga Puso? May ka-date ka man o wala, may mapupuntahan kang puwesto na tiyak na mapupuno ng mga love songs at “hugot” sa Pebrero 14. Panalo sa mala-haranang tugtugan, malinamnam na ¬seafood dishes, at pagmamahalan—para sa kabiyak, kapartner, katipan, ka-MU o ka-dabarkads man, sulit na sulit ang Valentines’ date ninyo sa Hugotfest sa pinakabagong “in-place” sa Lungsod ng Malolos.

Tampok ang mga bandang indiepop na The Swirls at pinoy rock powerhouse, Deuterium, mga ka-UgatPinas, ang nakaraang Ginumanfest ng Ginebra San Miguel sa Malolos Sports and Convention Center, sa pagbubukas ng Fiesta Republika 2018.

Itatampok sa UgatPinas Hugotfest sa Creekside ang mga lovesongs ng ilan sa mga kilalang banda sa Bulacan tulad ng White Sunday, The Summers, The Swirls, Project Juan, Davo Project, at Delia. Haharanahin naman nila Margaux, Terence, at Katrina ang mga magsing-irog ng kanilang mga minatamis na “hugot songs”.

“Idadaos namin ang Valentines ng may bagong pakahulugan sa ‘hugot’. Imbes na matinding emosyon sa nililiyag, inaanyayahan namin ang mga dadalo na bahaginan ng kapirasong pagmamahal ang mga nakakalimutan nating mga kapatid at kababayan,” kuwento ni Ey Bagay, convenor ng UgatPinas.

Tulad ng mga dati nang mga tugtugan ng UgatPinas, iniaalay ang bahagi ng kikitain ng Hugotfest para sa mga proyektong pantulong sa mga “socially-displaced” na mga alagad ng musika at sining, at ibang proyektong may “social conscience”.

Itinatag ang UgatPinas noong 2015 sa anyo ng mga “pocket jams” ng mga beterano at baguhang musikero sa Malolos. Sa suporta ni Malolos City Mayor, Abgd. Christian D. Natividad, na isa ring mahusay na musikero, pormal na itinatag ang komunidad ng mga alagad ng musika at iba pang sining bilang “pamayanan ng mga artists para sa kapwa artists at kapwa”.

Ang Creekside Seafood Restaurant naman ay isa sa pinakabago at naiibang kainan at tambayan sa kahabaan ng Ople Road, Barangay Bulihan, na patuloy na dinadayo dahil sa presko at maaliwalas nitong kapaligiran, masarap na mga putahe at gabi-gabing tugtugan.

“Nagpapasalamat kami sa UgatPinas dahil sa patuloy nitong pagtangkilik sa munti naming lugar”, ani Bb. Aimee Arabe, punong tagapangasiwa ng Creekside. Una nang idinaos ng UgatPinas noong Disyembre ang kanilang Pamaskong Jam na alay nila sa mga dating musikerong may kapansanan o salat sa buhay.

Mabibili ang tickets para sa UgatPinas Hugotfest sa Ronda Balita, UgatPinas ticketlines: 0905-5183710, 0997-6399270 o tumawag sa 044-794-9305. Maaari ding magtanong sa City Information Office, 2nd Floor Red Ribbon Building, Barasoain, Malolos City.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here