7 konsehal ng Malolos, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

0
232

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pormal nang sinampahan ng kaso nitong Huwebes (Feb. 18) sa Office of the Ombusdman ang pitong miyembro ng Sangguniang Panlungsod dahil sa pagmamatigas nitong dumalo sa mga sesyon.

Ayon kay Vice Mayor Noel Len Pineda, sinampahan niya ng kasong “Gross Neglect of Duty” ang pitong miyembro ng Sangguniang Panlungsod na kinabibilangan nina Konsehal Nino Carlo Bautista, Francisco Castro, Kirk Louis Nicolas, Enrico Capule, Edgardo Domingo, Miguel Carlos Soto at Dionisio Mendoza.

Dagdag pa ng tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod na mula ng hindi dumalo ang pitong konsehal ng Malolos sa ilang sesyon o pagliban ng walang proper notice ay nag-ugat ito ng sali-saliwang problema.

“Dahil miyembro ng mayorya ang pitong konsehal kaya ilang pagpupulong na ang hindi nagkakaroon ng quorom at hindi nabibigyan ng opisyal na solusyon ang mga mahahalagang gampanin na idinudulog sa Sangguniang Panlungsod tulad ng pondo ng mga barangay at pondo ng Sangguniang Kabataan,” ani Pineda.

Dagdag pa ni Pineda na bagama’t masakit sa kanyang loob na sampahan ng kaso ang kanyang mga dating kasama sa partido pero bilang taga-pangulo ng hapag ay kailangan ko nang gumawa ng aksyon sa pagmamatigas nilang udmalo ng sesyon.

Panawagan pa ni Vice Mayor Pineda na unahin ang kabutihan at kapakinabangan ng bawat Malolenyo lalo’t higit ngayong panahon ng pandemya at isantabi ang pulitika at pansariling kapakanan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here