57 pusher todas, mahigit 1K huli sa droga sa Central Luzon

0
131

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Umabot sa 57 hinihinalang mga tulak na iligal na droga ang napatay habang nasa 1,087 naman ang nadakip ng kapulisan sa kanilang region-wide operation sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Bataan nu’ng buwan ng Setyembre.

Ayon kay Police Brig. Gen. Joel Napoleon M. Coronel, Regional Director ng Police Regional Office (PRO3) sa loob lamang ng isang buwang kampanya laban sa iligal na droga, halos umabot din sa 12 kilo ng shabu ang narekober bukod pa sa mahigit 15 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam.

Malaking porsiyento ng mga napatay sa drug war at nadakip ay galing umano sa drug war sa Bulacan na pinakamasigasig sa kampanya laban sa droga gayundin sa kampanya sa iba’t ibang kriminalidad kaya naman nakakuha ito ng mataas na Crime Solution Efficiency.

Bukod pa dito, mayroon ding 3,524 katao na may kinalaman sa droga ang sumuko sa Gitnang Luzon na sumasailalim sa rehabilitasyon sa mga Bahay Pagbabago Refor mation Center na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Ayon pa kay Coronel, hindi umano hihinto ang kapulisan sa pagpuksa sa iligal na droga sa rehiyon at ipagpapatuloy ang pagkakaroon ng mga operasyon.

Hinikayat pa nito ang publiko para suportahan ang kanilang kampanya kaugnay ng iligal na droga.

Source: Abante

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here