Home National News MPD police na naghamon ng duelo, kalaboso

MPD police na naghamon ng duelo, kalaboso

1035
0
SHARE

BACOOR City, Cavite — Arestado ang isang pulis ng mga operatiba ng Bacoor City police matapos itong maghamon ng duwelo sa nakaalitang security guard sa St. Anthony Homes Subdivision, Brgy. Habay 1, ng naturang bayan.

Base sa ulat, kinilala ang pulis na si PO2 Ryan Veran, 35, nakadestino sa Manila Police District (MPD), residente ng Blk. 4 Lot 3 ng nasabing subdivision habang ang biktimang sikyu ay nakilalang si Roel Pedroso, 30 anyos, residente ng #215 Hermino Compound, Brgy. Pag-asa 3, Imus Cavite.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-5:24 ng hapon noong Biyernes ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang naturang pulis at ang security guard hinggil sa operational procedure para sa mga pumapasok na sasakyan sa loob ng subdivision.

Matapos ang mainitang pagtatalo ay umuwi ang suspek at kinuha ang kanyang service firearms at binalikan ang nakasagutang sikyu at muli itong kinompronta habang nakasukbit ang baril beywang.

Nagawa pang bunutin ng naturang pulis ang bitbit na baril saka naghamon ng duwelo.

Takot na takot ang biktima na nakuhanan pa ng CCTV at nasaksihan ng ilang kapitbahay.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Bacoor City Lock-up cell at nakatakdang kasuhan ng grave threat.

Bigo naman ang pulisya na makumpiska ang dalang baril ng suspek (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here