27th PTAA Travel Tour Expo 2020 sa Feb. 7-9 sa SMX Convention Center

0
58

MAGANDANG balita ito para sa mga mahihilig mag-travel sa iba’t ibang lugar — local man o sa international.

Sa 27th year ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA), magbibigay ang mga legit members nila ng malalaking discount sa mga magbibyahe.

Sa pananaliksik ng PTAA thru social media napag-alaman nilang halos mga celebrities ay mahilig mag-tour sa iba’t ibang lugar outside the country.

Eksplika ni PTAA president Ritchie Tuano: “These days, social media has become one of the best tools to the travel in the tourism industry. Pictures and videos are the best ways to entice ways for people to visit a place.

“Celebrities, they restore it or not, do a lot to boost the visit to different locations within and outside the country.”

Nakikita rin daw niya na na-aspire ang kani-kanilang fans at sinusubaybayan saan mang lugar sa mundo magpunta ang kanilang mga idolo.

“Moreover, the public also gets to find out more about the places they visit. The provide both the glamour factor and the reassurance that the place is safe to visit,” dugtong pa ng PTAA president.

Alam din daw niya na maraming mga Pilipino na makapagliwaliw sa iba’t ibang bansa, pero can’t afford ang iba.

Kaya ngayong nasa ika-27 taong anibersaryo na ang PTAA kanilang napagkasunduan na pasayahin ang ibang mga Pinoy.

Magbibigay sila ng malaking discount sa mga gustong makapaglibot sa buong destinasyon ng Pilipas o sa labas ng bansa.

Sa kanilang pag-iimbestiga halos lahat daw ng celebrities ay mahilig magbyahe.

Nagbigay sila ng top 10 most traveled celebrities.

Eto ay sina Tim Yap, Heart Evangelista, Lovi Poe, Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Vicky Belo, Bea Alonzo, Nadine Lustre, Liza Soberano at Maine Mendoza.

Kaya naman sa mga gustong mag-travel ngayong summer sa February 7, 8 at 9 ang 27th PTAA Travel Tour Expo 2020 ay nasa SMX Convention Center.

May mga artista ring naroroon sa actual na event para suportahan ang PTAA.

Sa Friday, 4 p.m. ay naroon si Glaiza de Castro. Sabado naman ay ang SB19, 4 p.m. At Sunday, 2 p.m. si Karylle.

Mag-start ang Travel Tour Expo 2020 ng 8:30 a.m.-7 p.m. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here