Home National News 8 ‘tulak’ arestado sa magkahiwalay na buy bust ops ng NPD, QCPD

8 ‘tulak’ arestado sa magkahiwalay na buy bust ops ng NPD, QCPD

225
0
SHARE

CAMP BAGONG DIWA, Taguig City — Nasakote ang 8 katao na pawang mga suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa ilalim ng pamumuno ni District Director Police Chief Supt. Gregorio Lim at ni Quezon City Police District Police (QCPD) Chief Supt. Joselito Esquivel.

Unang nadakip ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit at District Special Operations Unit sa Lapu-Lapu corner Pampano St., Brgy. Longos, Malabon City dakong alas-9 ng gabi nitong Miyerkules sina Ramil Fesaldon alias Taming; Elmer Mingi, at Ariel Naniong alias Nonong matapos bentahan ng ilegal na droga ang isang undercover agent.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang 5 piraso ng small heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 bill na ginamit na marked money at ang dalawang sasakyan na Isuzu Hi-lander na may plakang UPF 871 at isang Nissan Almera na may plakang OW 3644.

Arestado naman ng mga elemento ng Special Drug Enforcement Unit ng Police Station 5 ng QCPD ang limang suspek na tulak na sina John Andrew Madela alias Boyet, Arrysh Gamboa, Allen Brix Gamboa, Rogelio Bacani, at John Loyd Lico sa Quirino Highway corner Esperanza, Brgy. Greater Lagro, Quezon City dakong ala-1 nung Huwebes.

Nasamsam mula sa limang suspek ang isang piraso ng large size transparent plastic sachet na may laman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, 6 na small heat sealed plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, 10 piraso ng P1,000 bill na ginamit na buy bust money, drug paraphernalias, isang ID, 2 cellular phone, coin purse, 5 ng resibo ng money remitances at isang kotse na Toyota Corolla na kulay gray at may plakang PRL 561.

Mahaharap ang walong suspek sa kasong paglabag na may kinalaman sa RA 9165.(RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article3 timbog sa magkasunod drug ops sa San Pascual, Batangas
Next article7ID, hinikayat ang iba pang rebelde na sumuko na
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here