Home Showbiz 80th birthday ni Mother Lily dinaluhan ng mga politiko at celebrity

80th birthday ni Mother Lily dinaluhan ng mga politiko at celebrity

121
0
SHARE

NAG-CELEBRATE ng 80th birthday ang ina ng industriya noong August 19, kung saan ang tawag ng lahat ng nasa showbiz ay Mother Lily Monteverde.

Halu-halo ang mga taong dumalo sa kaarawan ng producer. Mga kaibigan, press people, director, artista at pulitiko lahat sila ay bumati kay Mother ng maligayang kaarawan. Sa Crowne Plaza Manila Galleria ginanap ang birthday party ng mother matriarch.

Siyempre, hindi maisawang magtanong ang mga malapit na press people kay Mother Lily.

Tulad ng kung anong mga pelikula ang paborito niya na ginawa ng sariling produksyon mula ng itatag ito.

Una, ayaw sagutin ni Mother dahil lahat daw ng kanyang movie ay gusto niya. Bandang huli binanggit din ni Mother na tatlong pelikula ang memorable sa kanya. Ang Broken Marriage, Relasyon at Sister Stella L.

Nagkataon ang bida sa tatlong movie ay ang Star For All Seasons na si Congreswoman Vilma Santos-Recto.

Aside sa pagpoprodyus ng pelikula, binaggit din ni Mother na abala siya sa pagpa-farming sa Tagaytay at business sa iba’t ibang lugar.

Hinggil sa kanyang health condition, sinabi niyang ingat na siya sa mga kinakain, pero ang hindi lang daw talaga niya maiwasan, ay ang lechon.

Dumating si Pnoy kasama ang dalawang anak ni Kris Aquino na si Joshua at Bimby.

Hinahanap ni Mother si Kris, ang sabi ni Bimby, not feeling well daw ang ina dahil sa weather.

Dumating si Ate Vi at pinagkaguluhan ng kapwa niya celebrities. Tuwang-tuwa ang aktres-politiko nang malaman niyang movie niya ang pinaka-favorite ni Mother Lily.

Pero, if ever daw na gawing movie ang istorya ng buhay ng producer at siya ang gustong gumanap, tatanggihan daw niya ito.

Ani Ate Vi, hindi raw niya kayang i-portray si Mother. Nag-iisa lang daw ito.

“Hindi ko kaya kay Mother na tumatawa ngayon tapos in minutes, galit. ‘Tapos, nasa sulok umiiyak na, ‘tapos flying cellphones na. Iba siya, e. Kaya nandito kami na nagmamahal sa kanya talaga,” pahayag ng Stars For All Seasons na Ate Vi sa lahat ng nasa industriya.

Samantala, nagbigay ng production number si Mother Lily nang bumulaga siya sa bulwagan ng ballroom hotel. Kasama ang kanyang back-up dancers, nagsayaw sila sa tugtog na “Mamma Mia.” Sinabayan din siya sa pagsasayaw ng kanyang mga anak, manugang at apo. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAGILA BASKETBALL LEAGUE; Pulding’s Cup Season 3, aarangkada na!
Next article4 drown in Hagonoy fish port
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here