Home National News 82 huli sa anti-criminality enforcement operations sa Makati

82 huli sa anti-criminality enforcement operations sa Makati

170
0
SHARE
ARESTADO ang may 82 katao matapos ang isinagawang agaran at magkakahiwalay na anti-criminality law enforcement operation ng mga kagawad ng Makati City Police Station.
Sinuyod sa buong magdamag ng naturang mga operatiba ang iba’t ibang lugar sa Makati kung saan kanilang naaresto ang nabanggit na bilang ng mga suspek.
Kabilang sa mga nadakip ng mga pulis ay ang 10 menor de edad bunsod ng samu’t saring paglabag.
Pawang mga nag-iinuman sa lansangan, naglalaro ng iligal na sugal at mga walang saplot na pang-itaas ang karamihan sa mga hinuli ng mga otoridad.
Ang mga kataong nahuli ay isinailalim sa profiling para matukoy kung walang kinakaharap na mga kaso ang mga ito at agad din namang palalayain kung walang kasong nakasampa sa sinuman sa mga ito.
Ipapatawag naman ang mga magulang ng mga nahuling menor de edad. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here