Home National News 9 miyembro ng kilabot na ‘Termite Gang,’ timbog sa Cavite

9 miyembro ng kilabot na ‘Termite Gang,’ timbog sa Cavite

2330
0
SHARE

NOVELETA, Cavite — Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch (PIB), Noveleta police at Cavite Provincial Intelligence Team-RIU4A ang siyam na miyembro ng kilabot na grupong Termite Gang matapos maaktuhang nagsasagawa ng pagnanakaw saisang pawnshop sa nasabing bayan nu’ng Sabado.

Kinilala ni Calabarzon Regional Director P/Chief Supt. Guillermo T. Eleazar ang mga naarestong suspek na sina Elvis Lawig, George Gorio,Michael Dumalig, Gilford Tanglod, Gacusan El-iy, Allen Labigtiwan,Charles Fallorina, Kickson Biswelan at Alejandro Terio.

Base sa report ni Acting Cavite Police Provincial Director P/Sr. Supt. William Segun bandang alas-2:08 ng madaling araw nang matiyempuhan ang mga suspek na ninanakawan ang Burgos Pawnshop sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Noveleta.

Sa pag-iimebstiga ng otoridad inamin ng mga suspek na meron pa silang operasyon sa SMJ Pawnshop sa Brgy. Bacao, General Trias City, Cavite at nadiskubre ang hinuhukay na tunnel malapit sa ilalim ng main vault ng naturang pawnshop.

Inamin din ng mga suspek na sila ang nasa likod ng mga sunud-sunod na nakawan sa mga bahay sanglaan sa buong Calabarzon area at mga kalapit siyudad sa Metro Manila.

Pansamantalang nakadetine ang mga suspek sa Noveleta Custodial Facility habang inihahanda sa korte ang mga kasong kakaharapin. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here