9 na ‘scalpers’ sa UP-Ateneo Game 1, inaresto ng NCRPO

0
74

PASAY CITY — Pinagdadampot ng mga otoridad ang 9 na scalpers na nagbebenta ng mga ticket sa mataas na halaga sa Game 1 ng University of the Phillippines at Ateneo de Manila University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Basketball Championship nu’ng Sabado ng umaga sa labas ng Mall of Asia (MOA) Arena sa nabanggit na lungsod.

9 na ‘scalpers’ sa UP-Ateneo Game 1, inaresto ng NCRPO

Ayon kay Police Senior Supt. Noel Flores, matapos i-utos ni NCRPO Police Director Guillermo Eleazar at Southern Police District (SPD) District Director Police Senior Supt. Eliseo DC Cruz agad umano niyang ipinaaresto ang mga scalpers na kinilalang sina Alfredo Molina, Michael Diño, Jhon Randell Guison, Edgardo Lacap IV, Antonio Borja, Alex Viñas, Rex Peral, Billy Jhon Alturas, at Alberto Manarang.

Sinabi ni Eleazar sa harap ng mga mamamahayag na karamihan ng mga madalas manood ng larong basketball ay mga estudyante kaya’t hindi niya papayagan na samantalahin ng mga scalpers ang mga allowance at baon na ipinambibili ng ticket ng mga ito na umaabot umano ng sampu hanggang dalawampung doble ang halaga ng kada ticket na ibinebenta ng mga sindikato.

Dagdag pa ni Eleazar na kanilang ipagpapatuloy ang pagdakip sa mga scalpers hanggang sa matapos ang serye ng laro at wala din umanong lusot ang mga masterminds ng mga ito kaya’t “binabalaan ko kayo mga oportunista na tumigil na kayo sa pagsasamantala dahil huhulihin namin kayo,” saad ng NCRPO Chief.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police Lock-up cell ang mga suspek at kakasohan ng paglabag sa City Ordinance 192 o (Anti-Scalping Law). (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here