900 Bulacan frontliners, nabakunahan na ng 2nd dose ng Sinovac

0
135

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Umabot na sa 900 na frontliners na kabilang sa 1st batch ng mga babakunahan ang nakatanggap na ng 2nd dose ng bakunang Sinovac.

Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Chief of Hospital ng Bulacan Medical Center, sa 14,000 dose ng bakunang sinovac na muling dumating sa Bulacan, 14,000 sa 22,019 mga frontliners and healthcare workers ang mababakunahan bago matapos ang buwan na ito.

Ang 900 nabakunahan ng 2nd dose ng sinovac ay kabilang sa 1st batch na mga frontliners at healtcare workers.

Nasa 22,019 mga frontliners at health care workers ang inaasahang mabibigyan ng 2nd dose ng sinovac bago matapos ang buwan ng Mayo.

Kabilang sa mga frontliners na ito ang lahat ng empleyado ng Public  hospital, mga clinic at maging mga tindahan ng gamot.

Nagsimulang magbakuna para sa 2nd dose ng sinovac noong Lunes (Apr. 5) at magtutuloy-tuloy hanggang sa mabakunahan lahat ang mga nasabing frontliners.

Nakatakdang dumating ngayong araw (Apr. 8) ang karagdagang 21,000 dose ng sinovac na siya namang gagamitin para sa iba pang mag babakunahan tulad ng mga may stable cormobidity. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here