Home Top Story 93 Chinese, 11 Pinoy timbog sa illegal online gambling sa Pasig City

93 Chinese, 11 Pinoy timbog sa illegal online gambling sa Pasig City

79
0
SHARE

PASIG CITY — Nasakote ang may 93 Chinese nationals at 11 Pinoy na nag-o-operate ng iligal na online gambling sa isinagawang search operations ng mga operatiba ng Regional Special Operations Unit (RSOU-NCRPO) Regional Mobile Force Batallion (RMFB) at PNP Anti-Cyber Crime Group (ACG) sa 2nd Floor ng Techno Point Bldg. 2, CW Home Depot Complex Julia Vargas Ave., Ortigas Avenue sa nabanggit na lungsod nu’ng Huwebes ng hapon.

Ayon sa inisyal na report, sinalakay ang Finasia Tech Inc., matapos mag-isyu ng search warrant ang Makati City Regional Trial Court Branch 146.

Kinatawan umano ng kumpanya ang nagngangalang Manuel “AJ” Pangilinan at Marie Espiritu.

Base sa ipinadalang report ni RSOU Chief Police Supt. Rogarth Campo kay NCRPO Police Director Guillermo Eleazar, sinalakay nila ang nasabing lugar matapos maberipika sa isinagawang surveilance na iligal na nag-o-operate ng online gambling ang mga Chinese at Filipino na empleyado ng nasabing kumpanya at agad inaresto ang lahat ng nasa loob ng opisina sa bisa ng Sear Warrant na inisyu ni Presiding Judge Jaja G. Moya ng Regional Trial Court, Branch 146 ng Makati City.

Agad kinumpiska ng mga otoridad ang mga computer desktops, laptops, mga android cellphones at mga electronic device na ginagamit ng mga empleyado para isailalim sa forensic examination at investigation report.

Mahaharap sa kaso ng paglabag sa Violation of Sec.6 ng RA 10175 (Cyber Crime Prevention Act.2012) in relation to Presidential Decree 1602 ang mga nahuling suspek at inaalam na din kung may mga working visa ang mga naturang dayuhan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here