Home Video ‘A Day of Prayer,’ isinagawa para sa kaayusan at katahimikan ng bansa

‘A Day of Prayer,’ isinagawa para sa kaayusan at katahimikan ng bansa

295
0
SHARE

HINDI napigilan ng malakas na buhos nang ulan na dulot ng bagyong Gorio ang libu-libong mga Bulakenyo kasama ang tatlong cabinet secretaries bilang mga panauhin pandangal, na nagtipon sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos para sa isang sama-samang pananalangin para sa kapayapaan at kaayusan ng ating bansa.

Sa aktibidad na tinawag na “Bulacan Day of Prayer,” alay para sa kaayusan ng ating bansa, sinabi ng pangunahing tagapagsalita na si Sec. Ernesto C. Abella, Presidential Spokeperson, na hindi matatapos ang pagpupunyagi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ang mga Pilipino ng magandang buhay hangga’t nandian pa rin ang korapsyon, iligal na droga at mga taong pilit na sinisira ang imahe ng ating Pangulo.

acquire lioresal Ayon naman kay Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado, panalangin ang sagot sa mga suliranin at kalamidad na kinahaharap ng ating bansa. Magsama-sama ang lahat para sa isang matibay na panalangin na kalulugdan ng Panginoon.

Sa kabila ng mga batikos sa kanya simula ng siya ay maupo bilang Justice Secretary, inamin ni Vitalliano Aguirre II na walang siyang hinangad kundi ang sundin ang atas ng Pangulo na linisin ang hanay ng hudikatura.

Matapos ang mga panalangin, isinagawa naman ang ceremonial turnover of donations for Marawi City kung saan ibinigay ang halagang 4 na milyong pisong “ceremonial check” kay DND Sec. Delfin Lorenzana.

Nag-alay naman dasal ng pagkakaisa ang Four Pillars of Bulacan matapos kantahin ang theme song ng Day of Prayer na “Lord, Heal Our Land.”

buy Lasix Kabilang na dumalo sa prayer rally ang mga grupong pangrelihiyon, mga pinuno at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan gayundin sa lokal at nasyunal na ahensiya, sundalo at mga kapulisan, mga guro at estudyante, mga non-government organizations at marami pang iba.

generic Antabuse

SHARE
Previous article2 killed, 12 arrested in Bulacan drug war
Next articlePagpapasinaya sa bagong school building ng MMFSL, isinagawa!
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here