Aasenso ang bayan kung may lider na katulad ni Kuya Jonathan

0
115

MAY kasabihan tayong mga Pi­lipino na- “Ka­pag ma­buti ang puno ay ma­buti rin ang magiging bunga nito.” Tila muling nabuhay ang kasabihang ito sa katauhan ni Congressman Kuya Jonathan R. Sy-Alvarado ng unang distrito ng Bulacan.

Eh, sino ba naman ang hindi makakikilala sa isang katulad niya na isang mabuting anak at kapatid, at higit sa lahat ay isa ring mabait na ama ng isang masayang pamilya.

Natatandaan ko pa, taong 2016 nang pumalaot sa buhay pulitika si Kuya Jonathan, na bagamat noon pa man ay hinihimok na siya ng kanyang mga kababayan na pasukin ang larangang ito, pero hindi niya ginawa dahil ayaw niya na may masabi ang ibang mga pulitiko sa kanilang lalawigan na sinasamantala niya ang impluwensiya ng kanyang ama na may 34 na taon ding nanungkulan hanggang sa kasalukuyan, gayundin ang ginawang paglilingkod ng kanyang butihing ina.

Sa maikling panahon ng panununngkulan ni Kuya Jonathan bilang kinatawan sa mababang kapulungan ng Kongreso, ay kaagad siyang kinakitaan ng kasipagan at malasakit sa pagtulong sa kanilang mga kababayan na nangangailangan ng tulong pinansyal at medical assistance, kung saan siya ang personal na humaharap sa mga mamamayang dumudulog at humihingi ng tulong.

Naglagay siya at nagbukas ng isang tanggapan sa ka-nilang bahay sa bayan ng Calumpit, upang ang lahat ng mga Bulakenyo na mangangangilangan ng kanyang tulong ay mayroon mapupuntahan at malalapitan.

Marami na ring mga batas ang ginawa ni Kuya Jonathan na naipasa na sa kongreso, at marami na ring mga estudyanteng kabataan ang nakikinabang sa ibinibigay niyang financial assistance mula sa kanyang educational scho­larship program.

Wala ring holiday ang serbisyong ipinagkakaloob ni Kuya Jonathan, dahil naniniwala siya na ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling oras at araw, at kailangan na laging nakabukas ang serbisyo sa mga mamamayan. Naniniwala kasi siya siya na “Ang paglilingkod sa kapwa ay pag-mamahal sa POONG LUMIKHA.”

Congratulations Kuya Jonathan for another succeeding year in serving the people of Bulacan. We are very proud of having a public servant like you.
Just keep up the good work Kuya Jonathan. We will pray for your continued success in public service.

Good luck and GOD Bless! (RONDA Balita Online News)

Previous articleMotorista: Bawal muna sa Kennon Road
Next articleTransport group sa Bulacan, may sariling batas sa singil sa pasahe!
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here