Admirer ni Erich Gonzales, isa sa top 20 richest family sa bansa

0
1042

IPINAGTANGGOL ni Kris Aquino si Erich Gonzales sa mga namba-bash sa dalaga na nakasisira raw ito ng isang pamilya.

Ang tinutukoy ng mga netizens ay ang involvement ni Erich sa asawa ni Toni Gonzaga na si direk Paul Soriano.

Kapatid na ang turing ng Queen of All Media kay Erich kaya naman para tumigil na ang mga sitsit ay siya na mismo ang nagsalita na may dumadalaw sa dalaga nu’ng nagsu-shoot ito ng Siargao. Naka-private plane pa nga raw ang guy.

Nagpa-block screening kasi si Kris para sa Siargao kung saan isa si Erich na bidang babae kasama si Jasmine Curtis at ang actor na si Jericho Rosales. Humakot kasi ng award sa Metro Manila Film Festival ang naturang pelikula kung saan ang director ay ang mister ni Toni na si Paul.

Ayaw ni Erich na ibuko siya ni Kris, pero kaya naman daw ginawa ito ng huli ay para tumigil na ang mga nang-iintriga sa aktres.

Galit si Kris sa mga fake news dahil isa rin siya sa nabiktima nito. Kaya sabi niya kay Erich; “Hindi pwedeng bahala na. Hindi pwede, kasi yung mga fake news na ganyan, dapat you deal with it. Because you have to live your truth.”

Maging si Toni ay nagpatunay na may dumadalaw nga raw kay Erich sa shooting ng Siargao at hindi siya ngangamba sa mga sitsit hinggil sa kanyang asawa at sa dalaga.

Hindi pinangalanan ni Kris ang guy na dumadalaw kay Erich bagkus sinabi niyang one of the top 20 richest family sa Pilipinas ang angkan ng lalaki.

Samantala, nalungkot din naman si Kris sa break-up nina Erich at Daniel Matsunaga. Isa kasi ang Queen of All Media sa naging daan kaya naging magkarelasyon ang dalawa.

Pero ngayong nakikita niyang muling masaya ang itinuturing na kapatid, masaya na rin daw ang Queen of All Media. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here