Home Katropa Rumoronda After 17 years naging ‘The Rising City’ ang CSJDM — Dr. Booth

After 17 years naging ‘The Rising City’ ang CSJDM — Dr. Booth

190
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

Lubhang abala ang mga kawani ng City hall, at mga Barangay sa City of San Jose Del Monte (CSJDM,) sa mga aktibidades na isasagawa sa pagdaraos ng ika-17 taon na Cityhood ng CSJDM, ngayong linggo.

Dahil dito ay ating nakapanayam ang masipag na si Dr. Dennis Booth, City Administrator ng CSJDM, upang malaman ang kanilang mga balakin at gagawin sa okasyong nabanggit. Ayon sa kanya, “sa pangalawang pagkakataon sa pamunuan ni Mayor Arthur Robes, ay ating ginugunita ang ating ika-17 taon ng pagsasa-Lungsod. Ito ay isang ‘week long activity,’ na ang mga ‘major na line-up’ natin na mga ‘activities’ ay mga ‘religious festival,’ meron tayong ‘attempt’ na makuha ang ‘records sa  Guinness Book of Records,’ iyung pinakamahabang ‘latern parade.’

“We will also featuring or showcasing our local products,’ meron tayong ‘food festival, art exhibits,’ alay lakad, paglilinis sa ilog, ‘tree planting activities, in other words’ talagang isang ‘major na activity’ itong ating nila-‘line up’ para sa pangalawang ‘Cityhood Anniversary Celebration under Robes administration,” sabi pa ni Booth.

Ating naitanong kung ano ang kabuluhan nito sa buhay ng mga San Josenio, sinabi ni Booth na, “para maitaas ang antas ng kaalaman ng mga San Josenio sa kahalagahan ng pagsasa-Lungsod. Bilang pagbabalik tanaw, isinilang ang Lungsod ng San Jose Del Monte, noong taong 2000. Nakita natin mula sa isang payak na sistema ng pamumuhay, ang mga ‘infrastructure’ noon ay hindi pa gaano ka-‘advance,’ hindi pa masyadong maayos ating kalakalan. ‘By way of reporting to the people of San Jose’ ay ating narating na iyung antas na tayo ay ‘The Rising City’ na, para kanilang ikatuwa iyung na ‘attain’ ng ating Lungsod ‘after 17 years.’

Lubhang malaki ang ipinagbago ng CSJDM, ito ay dahil na rin sa maayos na pamamahala ng Administrasyon ni Mayor Arthur Robes, Vice Mayor Efren Bartolome, Jr., Kong. Rida Robes at sa mahusay na pamamahala ni Dr. Booth.

Hinihikayat ni Booth ang mamamayan ng CSJDM, na makilahok sa nasabing pagdiriwang. “Sa ating mga Ka-Lungsod, kayo po aming inaanyayahan na makiisa sa isang linggong selebrasyon, ito ay mag-uumpisa ng ‘September 3’ at matatapos ng ‘September 10.’ Magiging masaya at makulay ang ating ‘celebration,’ at ito ay isang pagkakaton na ‘i-rally’ natin ang mga bawat San Josenio na maging ‘proud’ sa kanilang Lungsod. At ito ay isang pagkakataon na maipakilala ang ating Lungsod sa mapa ng buong mundo, sa pamamagitan ng ating ‘attempt’ sa Guinness Book of Records. Suportahan ninyo ang ating mga ‘efforts,’ ang Administration ni Mayor Robes. Aming ginagawa ang lahat para sa ikauunlad ng ating Lungsod ng San Jose Del Monte,” patapos ni Booth.

Tsk! Tsk! Tsk! Salamat City Admin Dennis Booth. Saksihan po natin ang mga kaganapan sa CSJDM, ngayong linggo. Marami na din ang natutuwa na makita ang ‘Lantern parade’ na isasali sa Guinness Book of Records. Kapag iyan ay nagawa ng CSJDM, tiyak na karagdagang papuri ang makakamit ng mga San Josenio, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Mabuhay ang mga San Josenio!

*****

PAYO ni Hajji MARJAN AJIDULLA, Executive  Director, MACC, CSJDM

Mayroong dapat maging gabay ang Sangkatauhan, upang maging maayos ang takbo ng buhay ng bawat isa at ang pakikisalamuha sa kanyang kapwa. Ito ay ang Apat na katangian: Katangian ng Araw, Ulan, Lupa at Hangin.

Katangian ng Araw na siyang nakapagbibigay ng liwanag sa kapwa. Kung walang liwanag ay pawang kadiliman ang mamumutawi. Nakapagbibigay siya ng liwanag sa kapwa sa salinbutan. Ulan na siyang nakapagbibigay ng tubig na sagisag ng buhay na nalalasap ng bawat kapaligiran, nabubuhay ang mga pananim, mga hayop, isda sa laot. So dapat ganoon ang tao, na nakapgbibigay siya ng kaginhawan sa sambayanan. Lupa na kahit tapakan at dumihan ay andoon pa rin ang pasensiya nito, Kailangan natin ang ‘patience.” at ang huli ay ang Hangin na siyang nakapagbibigay ng kaginhawahan at hininga sa bawat nilalang. Sana para tayong hangin sa kapwa, na nakapagbibigay ng kasiyahan, magandang asal at bagay sa mga tao.

Kung ang mga katangiang ito ay nasa Tao lamang, ay tiyak na walang suliranin ang Sanlibutan.

Ipadala ang inyong nais na ipalathala sa: katropa2003@yahoo.com. Hanggan sa muli

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here