Home Bulacan Local News Agapay Paslit 2018 ni Kuya JonJon Mendoza, muling pinadama sa mga batang...

Agapay Paslit 2018 ni Kuya JonJon Mendoza, muling pinadama sa mga batang kapuspalad

39
0
SHARE

BALIWAG, Bulacan — Sa panglabintatlong pagkakataon ay muli na namang ginunita ng dating Congressman mula sa 3rd District ng Bulacan na si Kuya Jonjon Mendoza ang Agapay Paslit 2018 kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Dinagsa ng daan-daang mga kapuspalad na bata at matatanda mula sa iba’t-ibang bahay ampunan sa lalawigan ang taunang Agapay Paslit ni Kuya JonJon Mendoza na ginanap sa SM Baliwag Event Center noong November 8, 2018.

Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga bata sa hatid na saya ni Kuya JonJon sa kanila taun-taon na halos ika-13 taon nang ginagawa kasama ang kanyang maybahay, mga anak at mga staff.

Naghandog naman ng kanya-kanyang galing at husay sa pagtatanghal ang mga batang dumalo sa naturang proyekto ng kanilang Kuya JonJon bilang kanilang pasasalamat sa dating kongresista.

Nagpasalamat naman si Kuya JonJon sa lahat ng kanyang Kapamilya-Kasulong-Kaagapay na tumulong upang ma-isakatuparan ang ika-13th Agapay Paslit 2018.

“Alam ko na na dama n’yo rin ang kasiyahang aking nadarama sa piling ng mga batang ito. Walang paglagyan ang akin katuwaan sa nakita kong supporta ninyo,” ani Cong. Mendoza.

Dumalo rin sa naturang pagdiriwang ang kanyang mga anak sa pangunguna ni Bokal Anjo Mendoza, mga solo parent ng mga Bayan ng San Rafael Malolos at San Ildefonso, at sa mga nag-volunteers sa Soroptomist ng Bocaue.

“Hangang sa muli natin pagtutulungan at sa maraming pang program ang atin pang tutulong tulungan,” dagdag pa ni Kuya Jonjon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here