Home Taklesa Agila ng Bulacan, guest speaker sa pagtatapos ng senior high sa Baliwag

Agila ng Bulacan, guest speaker sa pagtatapos ng senior high sa Baliwag

222
0
SHARE
An opinion column of Rosseth Eleogo

VERY visible ang “Agila ng Bulacan”sa iba’t ibang panig ng lalawigan ng Bulacan. Mula sa mga graduation rites at pagbubukas ng mga paliga ay paboritong imbitahan si Mayor Christian D. Natividad.

Kamakailan lang ay naging pangunahing taga-pagsalita ang Agila ng Bulacan sa kauna-unahang Commencement Exercises ng Senior High School sa Baliwag Polytechnic College na ginanap sa Baliwag Star Arena, Doña Remedios Trinidad Highway.

Umabot sa 335 Senior High School students ang tumanggap ng kanilang certificate of completion o pagpapatunay na natapos nila ang huling baitang ng K-12 Basic Education Program.

Sa mensahe ng batang alkalde, binati nito ang mga estudyante Baliwagenyo na kauna-unahang nagtapos bilang mga senior high sa naturang eskwelahan.
Ani ni Mayor Natividad “hangad ko na maipagpatuloy n’yo sa kolehiyo o sa kursong nais nyong makamit baon ang matibay na pundasyon bilang nagtapos sa K-12 Basic Education Program ng Department of Education.”

Ibinahagi din ng alkalde ang naging buhay estudyante kung saan natapos niya ang kursong abogasya mula sa kanyang determinasyon at dedikasyon sa pag-aaral.
Nagpasalamat naman si Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa paglalaan ng oras ni Mayor Natividad para maging pangunahing taga-pagsalita sa naturang commencement exercises.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!

(Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tu-mawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350).

SHARE
Previous articlePangingibang bansa ng mga OFW may epekto sa kanilang pamilya
Next articleBulacan Kuyas palalakasin sa 2nd Conference MPBL
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here