Home Pilantik ‘Agila’ ng Bulacan, suportado ng mga Pulilenyo

‘Agila’ ng Bulacan, suportado ng mga Pulilenyo

85
0
SHARE

HINDI po kayang pasinungalingan ng sinuman ang isang paniniwala at kasabihan na kailan man ay hindi maaring magbunga ng mangga ang isang puno ng papaya sapagkat kung ano raw ang itinanim ay siya rin aanihin na siya ngayong nakikita ng mamayan ng bayan ng Pulilan.

Sa panahong ito kung saan ay nalalapit na ang halalan ang paniniwala at kasabihang tulad nito bakss na bakas at kitang-kita sa maraming Pulilenyo na ibinungang ng mga kabutihan at kapakipakinabang na naiambag ng nag-iisang mambabatas na noon ay hindi nakatikim ng pagkatalo sapul ng siya ay pumalaot sa larangan ng magulong pulitika.

Ang akin pong taong tinutukoy ay walang dili’t-iba kundi nag-iisang “AGILA” ng ating lalawigan na si MAYOR Atty. CHRISTIAN NATIVIDAD at anak ng dating Congressman TEODULO NATIVIDAD, ang mambabatas ng ating lalawigan na wala na yatang inisip at hinangad kung hindi ang kabutihan at kapakanan ng kanyang kalalawigan na siyang natanim sa isipan ng mga Bulakenyo higit sa lahat ay naming mga Pulilenyo.

’Eka nga ay SERBISYONG TOTOO AT WALANG KAAKIBAT NA PANGLOLOKO, kaya naman buong-buo ang paniniwala at pananalig ng bawat isang Pulilenyo na kayang-kayang ipagpatuloy ni AGILA NATIVIDAD ang magandang nasimulan ng beteranong mambabatas (Teodulo Natividad ) sa kanyang pagdapo sa Kapitolyo ng ating Lalawigan.

Bagamat may mangilan-ngilang botante sa aking bayang sinilangan (Pulilan) na kaalyado ng kanyang kalabang pulitiko, mas nangingibabaw at putok na putok ang nag-iisang AGILA ng Bulacan sa darating na halalan. Bata man at matanda, pangalang AGILA ang sa balota ang itatala.

Sa paglalagalag ni PILANTIK sa san mang sulok ng bayang Pulilan, pangalang AGILA ang usap-usapan kahit saang umpukan kung saan ang palaging paksa ay ang nalalapit na halalan sa pagka- gobernador ng Bulacan. AGILA AT TANGING AGILA AT WALA NG IBA.

Ayon pa sa aking mga kababayan, tanging si Mayor Christian “AGILA” Natividad ang siyang makapagpapabago at makapagpapaangat sa estado ng mga Bulakenyo na kanyang minamahal, kaya naman naniniwala ang bawat isang Bulakenyo lalo na ang mga mamamayan ng Pulilan na yari na ang pugad ng Agila sa Kapitolyo ng lalawigan na kanyang uupuan pagkatapos ng halalan sa Mayo.

Sa kabila ng matatag na paniniwala, hiling pa rin naming mga Pulilenyo sa bawat isang Bulakenyo ang pagkakaisa, ang suporta sa kanyang kandidatura sa nag-iisang Agila ng Bulacan na si Mayor Christian D. Natividad.

Kung ang hanap po natin ay tunay na pagbabago tungo sa ating pag-asenso, si AGILA po ang ating iboto, sapagkat ang tagumpay ni Agila at tagumpay rin nating lahat. Agila lamang po at hindi ang kung sinu-sino pa ang ating itatala sa balota. Numero 6 sa balota.

Ang mamamayan ng bayan ng Pulilan ay tanging kay Agila lamang sa darating na eleksyon sa Mayo.

Agila, Mabuhay ka para sa mga taong sa iyo ay umaasa! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here