Home Showbiz Ai-Ai at La Greta pinatatamaan si Kris

Ai-Ai at La Greta pinatatamaan si Kris

45
0
SHARE

AFTER ng ilang araw na pananahimik ni Kris Aquino, muling umingay ang kanyang pangalan dahil nag-post siya sa kanyang social media na siya’y bumagsak kung saan naka-post din ang kanyang likod na may pasa.

Ani Kris: “i took a bad fall early Monday morning, this picture is already from Wednesday… but i had a webisode shoot for a company that stayed with me through it all.”

Ayon pa sa Queen of All Media na allergic siya sa painkillers kaya nagre-relay na lang siya sa essential oils at bed rest nang sa ganoon ay madali siyang makarecover.

Saad pa ng TV host-actress para na rin mabigyan daw niya ng update ang kanyang fans at bashers.

“Hindi nagpapaawa effect, nag update lang for my friends & bashers kung bakit sobrang tahimik.”

Sa tinuran ni Kris nabuhay na naman ang dugo ng kanyang bashers.

“Mga ilang araw na mula nung sinabi nito na tatahimik na daw sya? Bakit kailangang picturan pa? di ko gets na di paawa.”

“That’s why I never believed her when she posted there’s dignity in silence.”

“Kaya nga queen of all media kasi kahit pasa, relevant hahaha.”

Ganito naman ang sabi ng defenders ni Kris: “Wag maglakaslakasan kris, ask for assistance, pls.. Praying for your quick recovery, less pain”

“@krisaquino Ingat ka palagi, andito lang kami Mga Warriors mo to defend you all the time.”

Samantala, sa IG post ng comedienne actress na si Ai Ai delas Alas nu’ng Sabado, March 9, na “Keep calm and let karma finish it,” na may kasunod pang “remember what you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through” ang pinariringgan daw ng komedyana ay si Kris.

Sinamahan din kasi ng caption na ganito ang pinost sa IG, “masid masid lang ako sa ‘yo… heaven na ang bahala sa ‘yo… #silentmode #knowwhoyouare #noonkapaalamdeadmalang #digitalangkarma.”

Mas lalong nabigyan pa ng malisya dahil sinundan din ni Gretchen Barretto nang “Am I thinking what you’re thinking.” With matching comment na ‘sawsaw-suka.’

Hopefully hindi na humaba pa ang isyung ito. Sa pagkakaalam namin ang anumang gap na meron sina Ai Ai at Kri ay na-settle na noon pa.

Huwag naman sanang assuming ang netizens na ang pinost ni AiAi ay patama sa Queen of All Media. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAngel Locsin ‘game’ makatrabaho si Nadine!
Next articleRyan sinumbat ang ‘panlilibre’ kay Karylle
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here