Home Showbiz Ai Ai nilayasan na ang Ex Battalion

Ai Ai nilayasan na ang Ex Battalion

40
0
SHARE

TULUYAN na ngang binitawan na ni Ai Ai delas Alas grupong singer na Ex Battalion.

Ayon sa komedyanang aktres, ayaw na raw niyang ma-stress sa pangangalaga sa mga singer. Marami raw siyang naranasang hirap bilang business manager ng hip hop singers.

Mas lamang daw ang sakit ng ulo ang binibigay ng grupo sa kanya.

Noon pa raw niya dapat binitawan ang grupo, pero dahil may pelikula pa silang ginagawa noon kaya hindi niya magawang idispatsa ang Ex Batallion.

Ngayong naipalabas na raw ang movie ay tuluyan na niyang lalayasan ang mga pasaway na grupo.

“Hindi ko na talaga kaya ang mga ginagawa nila sa ’kin. Marami ng insidente, e. Ayoko na ng stress. Para tahimik na rin ang buhay ko. Sa kanila, okay naman sina James at Renn, okay naman. Si Jon, problematic lang ang love life. Pero yung iba, hindi professional, e. May gigs, tatango sila, magko-commit ako, tapos last minute, biglang ayaw na nila,” pahayag ni Ai-Ai.

Ang pinakamatindi pa raw ay kinukwestiyon ng grupo ang tungkol sa pera. Hinahanapan daw siya ng mga ito.

“Kinukuwestiyon ako about money. E, ako, kapag nabayaran na kami, hindi nagtatagal sa akin, binibigay ko agad sa kanila.”

Ayon pa kay Ai-Ai ang Ex Battalion ang lumapit sa kanya para maging manager ng mga ito.

Dahil sa naranasan sa Ex Battalion group ay hindi na raw muling hahawak ng talent si AiAi, Ayaw na raw niyang ma-stress lalo na ngayong pinag-iisipan na nilang magkaroon ng baby ng kanyang asawa.

Pagtatapos ni AiAi: Kung ang asawa ko nga’t mga anak ko, hindi ako ini-stress. Tapos sila pang tinutulungan ko na nga, silang nagdudulot ng sobrang stress sa buhay ko kaya ayoko na.talaga.” (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDennis pinaiyak si Jennylyn Mercado
Next articleJames Reid, nagpaliwanag sa ‘NO’ decision sa Idol Philippines
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here