Ai Ai sobra ang respeto kay Coco bilang direktor

0
98

VERY happy si Ai Ai delas Alas dahil may pelikula siyang ipalalabas ngayong Metro Manila Film Festival 2019.

Kasama ang komedyanang actress sa movie ni Coco Martin, ang ‘3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.’

Isa si Ai Ai na marami ng pelikulang pinagbidahan.

Sa movie nila ni Coco ay isa rin siya sa mga bida kasama ang actress na si Jennylyn Mercado. Sadyang mapagbiro si Ai Ai.

Kung siya raw ang masusunod ang gusto niya ay leading lady ni Coco.
“Kaya lang mas lamang sa ganda si Jen sa akin, e,” natatawang sabi nito.

Pero choosy pa raw ba siya kung binigyan naman siya ng moment ng Kapamilya actor.

“Nilagyan niya ako ng moment. Bida-bida rin ako dun,” sambit ni Ai Ai.

Si Coco ang producer ng ‘3Pol Trobol: Huli Ka Balbon’ and at the same time ay lead actor at director.

Puring-puri ng comedienne-actress-TV host si Coco.

Ibang-iba raw kung magtrabaho ang actor. Ang lahat nasa tamang pag-aayos.

Napaka-perfectionist daw ni Coco. Kaya naman binibigay daw niya ang lahat para hindi mapahiya sa actor-director.

“Hindi siya demanding. Cool lang, nasa tama lang.”

Wala rin daw problema kay Ai Ai ang tungkol sa billing.

Lalo raw tumataba ang kanyang puso kapag tinatawag siyang ‘mommy’ ni Coco.

Halimbawa kapag may gustong ipaulit si Coco sa isang eksena.

Sasabihin daw ng actor, ‘mommy parang mas maganda na ganito ang gawin natin’ na agree naman siya dahil tama naman daw si Coco.

“Minimal lang naman ang mga ganun. Pero kapag narinig ko na ang ‘mommy’ may kiliti akong nararamdaman. Feeling ko sya ang panganay kong anak na nawawala, hahaha. Kesa kay Sancho.”

“Ay oo nga pala, kasama ni Direk Coco si Sancho sa kanyang teleseryeng Ang Probinsyano.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here