Aiko at Zambales Vice Gov. Khonghun strong pa rin ang pagmamahalan

0
165

PARA matigil na ang sitsit tungkol sa hiwalay na umano si Aiko Melendez at sa Vice Governor ng Zambales na si Jay Khonghun kaya nilinaw na ng aktres ang tungkol sa kanilang relasyon.

Una nang nasabi ni Aiko na ang relasyon nila ni VG Khonghun ay hindi perpekto.

Nagpadala ang aktres ng mensahe sa mga kaibigang press people.

Ani Aiko, hindi hangga’t maari ay ayaw daw niyang magsalita tungkol sa kanyang personal na buhay lalung-lalo na sa kanyang karelasyon ‘because I needed time to think and just pause for a bit.’

Iniisip daw niyang mag-FB live para masagot ang lahat ng mga nagtatanong hinggil sa relasyon nila ng Zambales Vice Governor, pero mas ninais na lang niyang magpadala ng statement.

“Every relationship has its highs and lows, VG Jay Khonghun and I are not perfect, it may seem and look like it, but just like any ordinary couple we go through tough times and challenges, too.

“But because we choose to stay together and fight for what we have, we are still together till now.

“We both appreciate those who prayed for us. Salamat sa mga nagse-send ng mga messages sa amin.

“We may not reply but sure, we do appreciate it. I hope somehow this statement will put an end to the speculations that we are no longer together.

“You know what they say, ‘Love wins!’ Thanks, guys! Now is the time to be positive in fighting COVID-19 and holding on to something that is special.”

Siguro, ngayong may statement na si Aiko ay matitigil na ang isyung hiwalay na sila,

Aminado naman si Aiko na sa bawat relasyon ay nagkakaroon ng problema, pero dahil mahal nila ang isa’t isa ay pinaglalaban nila ang kanilang pagmamahalan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here