Home Showbiz Aktor ng ‘Ang Probinsyano’ nagreklamo kay Tulfo

Aktor ng ‘Ang Probinsyano’ nagreklamo kay Tulfo

135
0
SHARE

LUMAPIT sa programa ni Raffy Tulfo ang isang actor ng ‘Ang Probinsyano’ na si Jamsam Rastah para humingi ng tulong.

Inireklamo ni Rastah ang co-actor sa longest primetime teleserye sa ABS-CBN na si Pedro ‘Zaito’ Cano.

Si Rastah ay isang singer/performer samantalang popular rapper at fliptop artist naman si Cano.

Ayon kay Rastah ibig daw niyang mag-file ng cyber libel para sa rapper na si Cano kung saan ang character na ginagampanan sa ‘Ang Probinsyano’ ay Nick.

Ayon sa complainant na si Jamsam inakusahan daw siya ni Cano sa pagpo-post sa socmed ng walang basehan hinggil sa alegasyong pagnanakaw.

Nang hingan ng eksplenasyon si Cano sinabi niyang hindi raw big deal ‘yun sa kanya at handa raw niyang i-settle ang problemang namamagitan sa kanilang dalawa.

After na mag-usap sa ere sina Rastah at Cano sa programa ni Tulfo, sinabi ng una na hindi na raw niya kakasuhan ang co-actor sa ‘Ang Probinsyano.’

Personal lang daw ni Cano na kausapin ang mga taong nasa paligid nila dahil naapektuhan daw ang mga ito sa kanyang ginawa.

Nag-aalala si Rastah na baka ang alegasyon ni Cano na walang katotohanan ay makaapekto sa kanya.

Higit sa lahat ang mga taong lubos na nagtitiwala sa kanya mawala. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleTeam Villarica ‘nangibabaw’ sa eleksyon ng PCL Bulacan
Next articleAngelica hinangaan ng sobra si Alden sa pag-arte
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here