Home Bulacan Local News Alagang JDC paparating na sa Bayan ng Hagonoy

Alagang JDC paparating na sa Bayan ng Hagonoy

928
1
SHARE

HAGONOY, Bulacan — Handa na si Association of Barangay Captains (ABC) President Kap. Jhane Dela Cruz o JDC sa pagkandidato bilang mayor ng nabanggit na bayan sa darating na 2019 Midterm elections.

Si Kap. Jhane Dela Cruz ang kauna unahang transgender na tatakbong alkalde sa lalawigan ng Bulacan na kung saan ay kasalukuyan siyang Kapitan ng Barangay Iba, sa Hagonoy, Bulacan.

Siya rin ang kasalukuyang Pangulo ng Liga ng mga Kapitan sa naturang bayan at siya rin ang kauna-unahang naging Kapitan ng Barangay na isang transgender.

Kasama ni ABC Kap. Jhane Dela Cruz para sa pagka Konsehal ng Hagonoy sina former Vice Mayor Rey Santos, dating Kagawad Boyet Santiago na naging Grand Winner sa Natatanging Kagawad sa buong Bulacan noong taong 2017, Miss Anjame Magbitang, dating Bb. Pilipinas Top 15, Number 1 Kagawad Monet Buensu, SK Madie Atienza, former Brgy. Captain Medic Dionisio, at Mr. Alfie Pascual.

Ang Team JDC ni ABC Kap. Jhane Dela Cruz at mga kasama ay nasa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Ang paglahok nito sa pagka-alkalde ng Bayan ng Hagonoy ay bunsod na rin ng kahilingan ng mga nakararami niyang kababayan.

Nakita kasi ng mga Hagonuenyo sa kanyang paglilingkod bilang Kapitan ng Iba ang kaniyang sinseridad sa paglilingkod lalo na nang maging ABC President ito sa nasabing bayan.

Sa unang termino niya bilang Kapitan ng Brgy. Iba ay nakamit na niya ang ibat-ibang parangal mula sa mga pribadong ahensya at nahanay din siya sa pinakamataas na pagkilala bilang Isang “Natatanging Punong Barangay” at nakamit din nila ang “Pinaka-Magandang Barangay“ sa buong Lalawigan ng Bulacan na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naging inspirasyon ni ABC President Dela Cruz ang mga karangalang ito para lalo pa niyang pag-ibayuhin ang paglilingkod at ito rin ang inspirasyon ng mga taga-Hagonoy para hilingin na kumandidato siyang alkalde ng Hagonoy.

Naniniwala ang mga Hagonuenyo na kung paano niya naitaas ang antas ng nasasakupang barangay ay higit pa niyang maitataas ang antas ng Hagonoy kung siya na ang magiging alkalde nito.

Pangunahing sentro ng paglilingkod ni ABC Kap. Jhane ay ang Peace and Order at siguruhin niyang zero crime ang bayan ng Hagunoy at lubusang puksain ang droga na sumisira sa katinuan ng maraming kabataan at bilang pagsuporta na rin nito kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nakatakda ring maglagay ng mga facilities na puro bago tulad nang bumbero at mga ambulansiya sa bawat apat na cluster nang Hagonoy, pagpapagawa ng ambulance sa dagat at pagbili ng mga police boat patrol sa dagat para maging service sa araw araw na gawain sa bayan ng Hagonoy.

Bukod pa dito ang paglalagay ng mga bagong service sa Police Hagonoy, pagpapagawa nang mas malaking police station. Layunin ni JDC na maging mabilis ang pag responde ng mga ito sa biglaang insidente.

Hangad din niya na tapusin ang problema sa mga batang malnourish at regular itong mabigyan ng tamang timbang at mapanatili ang pagpapakain sa kanila ng mga masusustansyang pagkain.

Bukod dito ay madami pa siyang programa sa Kalusugan at isa na dito ay ang paglalagay niya nang dialysis machine para sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis.

Nakatakda siyang bumili nang mga dialysis machine at ipagamit ito ng LIBRE para sa mga taga Hagonoy. Naging insperasyon ni JDC ang kaniyang kaklase na si Dianne Felipe ng Brgy. San Pascual na 9 years na umanong nakikipaglaban sa nasabing sakit at 9 years na din umanong nagsisikap para matugunan ang mga gastusin sa pagpapa-dialysis nito.

“Kung may libreng dialysis machine ay di na kailangan pang maghanap ng pera ang ating mga kababayan para matugunan lang ang ganitong problema,” dagdag pa ni ABC Kap Jhane.

Ang problema naman sa baha ay kanya ring tututukan upang maibsan ang malawakang pagbaha na nagiging problema ng ating bayan at ng ating mga mga kababayan.

Ang kabuhayan at kahirapan ay may mga nakahanda na umano siyang programa para mapaunlad ang mga ito sa kaniyang panunungkulan.

Marami pang mga balakin si ABC KAP. Jhane Dela Cruz sa kaniyang mahal na bayan at mga kababayan sakaling ito ang mahahalal na alkalde ng Hagonoy, Bulacan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePangarap at Plano sa mga Doktors, Pasyente at Health Workers ni Dr. Willie Ong
Next articleSM City Baliwag treat Bulakenyos to a 6 feet ensaymada
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here