Alam kaya ng Viva na may ‘Burado’ project si Nadine?

0
61

HINDI pa naipapalabas ang Saturdays-Sundays action-serye na ‘24/7’ ni Julia Montes, heto at may kasunod agad siyang proyekto.

“Burado” ang bagong ginagawang teleserye ni Julia kung saan makakasama niya sina Nadine Lustre, Paulo Avelino at Zanjoe Marrudo.

Tsika sa amin ay masayang-masaya raw si Nadine sa bago nitong project.

Parang wala raw pinagdadaanang problema ang actress.

Tanong lang, ang Viva Artist Agency rin ba ang nag-close ng project na ‘Burado’ para kay Nadine?

Hindi ba’t may usap-usapang kapag si Nadine ang nag-close ng proyekto para sa sarili ay malamang na mademanda siya ng breach contract ng Viva Artist Agency. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here