Home Showbiz Alden at Lisa ng Blackpink Group, hawak-kamay na naglalaro ng Ragnarok

Alden at Lisa ng Blackpink Group, hawak-kamay na naglalaro ng Ragnarok

16
0
SHARE

NAGLALARO pala ng Ragnarok si Alden Richards.

Sa kanyang social media account ibinahagi ng Kapuso actor ang paglalaro ng Ragnarok with Lisa ng Blackpink group.

Magka-team sila ni Lisa sa game. Sa caricature photos ng game ay magkahawak-kamay ang magkakamping player.

Nilagyan eto ni Richard ng caption, “kahit man lang sa laro maka-holding hands. Good morning!”

Nakatanggap ng mga komento mula sa netizens ang Kapuso actor.

Hindi naman daw masama ang mangarap. ‘A boy can dream.’

May nagsasabi namang ‘kilig much kung magkakapareha ang dalawa in real.’

“Mukhang mas malaki ito kesa sa Aldub pag nagkataon! PinoKyorea!”

Mas bagay daw sina Alden at Lisa kesa kay Maine Mendoza.

“Ang cute ni Alden the Fanboy hihihi.”

Sabi naman ng ibang netizen, female version daw ni Alden si Lisa dahil magkamukha ang dalawa.

Puna naman ng netizen na eto, “Ginagamit lang niya ang mga mga sikat na female celebs: Maine, Kath, Catriona and now Lisa para mapag-usapan.

Well, wala na lang basagan ng trip. Hindi naman sinasabi ni Alden na type niya si Liza kundi fanboy siya nito. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous article4 wanted persons, 14 others arrested by Bulacan police
Next articleSunshine Cruz inalmahan ang basher dahil sa anak!
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here