Alden ‘ginagamit’ ang mga babeng madikit sa kanya

0
102

TRENDING sa social media ang kuhang video nina Alden Richards at Sanya Lopez kung saan naka-hug ang una sa huli.

Ang tanong may relasyon daw ba sina Alden at Sanya.

Nakita na raw ba ng Kapuso actor ang babaeng mamahalin.?

Mukhang may pruweba naman dahil ang lakas ng bulung-bulungan sa bakuran ng GMA-7 na nagkakalapit daw ngayon nang husto ang actor at actress.

Ang iba pa nga ay pinaaalahanan ang Kapuso actress na humanda siya sa rabid fans ni Alden.

Tiyak na siya naman daw ang kukuyugin ng mga fans sa pagiging malapit sa actor.

May nagsasabi namang pang promo lang umano ang paglalapit ng dalawa para mapag-usapan ang kani-kanilang show sa GMA-7.

“Si Alden may bagong show na Centerstage while si Sanya may bagong series kababalita lang kanina sa Balintanghali parang may Agila yung title. Kung baga marketing strategy lang ito nila para pag-usapan yung mga new projects nila. Halata naman taga loob yung kumuha nasa backstage so tama ka so fake and stage. Masanay na kayo ganyan ka old school magpromote ang GMA sa mga talents nila, pang that’s entertainment days pa.”

Ibig daw bang sabihin ay manggamit lang talaga si Alden.

Una raw ay si Julie Ann San Jose tapos si Maine at huli ay si Kathryn Bernardo.

Pagkatapos daw ng Kathryn ay ang 2017 Miss Universe Catriona Gray ang inili-link sa actor, pero ‘di raw naman nagwork-out.

Andyan din daw si Bea Alonzo at Nadine Lustre. May sinasabi pa na isang Korean group singer na kesyo idol daw ni Alden at gusto niyang mapalapit sa girl.

Wish naman ng SanDen fans. O, di ba may fan page agad.

“Sana cla na.ang ganda ni Sanya at ang galing png umarte.dpat gawan agad ng GMA ng ts.at hayaan na ng fans cna Maine at Arjo.”

Mga fans naman daw ni Alden ang gumagawa ng paraan kung kanino ili-link na actress ang kanilang idolo.

“They keep pushing Alden to different women pero waley pa rin anong petsa na! Yan ba ang mga selosa na fans? Atat na nga na magkalovelife yang si Alden pero wala eh.”

Isa naman ang nagkomento na hindi raw bagay si Alden kay Sanya. Mukha raw tiyahin ng actor ang Kapuso actress.

May nagsasabi namang baka raw testing waters yung GMA kung papatok sa masa yung tandem pwedeng pang marketing tool para makuha yung dalawa ng bagong series.

Oh well, whatever. Bigyan na lang ng proyektong magkasama at dun malalaman kung papatok nga sila sa audience. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here